Sebastian's Pov
Pagkadating namin malapit sa kuta ng kalaban ay agad namin napansin ang napakarami nitong bantay.
Sa tingin ko ay handang-handa sila sa mga balak na sumugod sa kanila.
Pinigilan ko pa nga si Trewer sa pagtangka nitong pagpapakita at kung nagkataon na nakita siya ay baka kinapahamak na namin lahat.
Naisipan namin lumayo muna sa lugar at Nag-isip kami ng magiging plano sa pag-aatake sa kanila dahil ayun sa kasama naming mulawin at sadyang napakarami ng nilalang na nakabantay sa labas at loob.
Magsasalita pa sana ako ng biglang bumulong ang hangin tsaka sinabi ang malungkot na balita tungkol sa kapated ni James na si Diego.
Nakita kong napayukom si James tsaka sinabing " Pagbabayaran nila ito! "
" Si Hedie? Kamusta siya? " nakatingin' tanong ni Trewer saakin.
Ayun sa bulong ng hangin ay okey naman ang babae pero tumingin ako bigla kay Trewer ng seryoso at tinanong kung gaano niya kakilala ang nag-ngangalang Niefes.
Ayun sa lalaki ay kababata niya ito at iniibig ngunit ng malamang ipapakasal sa lalaking nagngangalang surren ay hindi na siya umasa pa.
At isa pa dinala niya ito sa mansion dahil sa wala na itong mauuwian dahil ayun sa babae sinalakay ang kanilang tribo at tanging siya at ang lambana ang nakaligtas.
Napatanong ito saakin bakit ko tinatanong tungkol sa babae na hindi ko naman agad masabi ang dahilan kaya humingi ako ng tulong gamit ang isip ko kila Calum at Zion.
Si Calum na mismo ang nagsabi dito na pinagtraidoran siya ng Niefes.
Kung masakit man ito para kay Trewer ay pinaniwalaan niya ang sinabi ng lalaki.
Ayun kay Zion ay gawa-gawa lamang siguro ng babae ang sinabing sinalakay ang kanilang tribo para mauto si Trewer at noong dinala siya ng lalaki sa mansion ay sinira niya ang barrier nito para madali makapasok ang kasama nitong nilalang.
Kaya malinaw na saamin lahat kung bakit nakapasok ang mga ito sa mansion na minana ko pa sa aking mga magulang.
" Kung ganun ay dapat na tayo kumilos. " sabi ni Knight
" Kami! " sabi ko dito.
" Ano? " patanong na sabi ng lalaki.
" Mapanganib sa loob ayoko naman isa saatin mawala dahil sa mission nato pero mas ayoko na mawala ka. " paglilinaw ko sa lalaki.
" Dahil ba ordinaryo lang kaming tao? Akala ko ba team tayo? " sabi ni Knight.
" Hindi natin kabisado ang nasa loob! Ayoko na mawalan ng isang ama si Otep! " sigaw ko sakanya.
" Hindi natin alam kung sino ang mawawala at ayoko mangyari yun. " sabi ko sabay tayo.
" Sige kung yan ang mas mabuti. " sagot niya payuko.
Kahit na labag ito sa kanya dahil gusto nila sumama pero subrang mapanganib lalo pa na hindi namin tiyak ang nasa loob.
Gumawa kami ng plano at groupo para mabilis at hindi halata ng kaaway ang galaw namin.
A.
Pinauna namin sila Calum at Zion sa loob bilang unang pag ataki sa likod ng kampo nila.
B.
Sumunod naman sila Trewer at Hugo papasok sa loob para hanapin ang mga bihag.
C.
Kami naman ni Theron ang magkasama na magpapabihag para makaharap ang halimaw na bumihag sa mga mahal namin.
D.
At sila James, Knight, ang mulawin at Macario naman ang maglilinlang sa mga bantay sa labas para hindi nila mapansin ang nangyayari sa loob.
BINABASA MO ANG
The Substitute Husband
General FictionDahil nga sa mahal na mahal niya ang kambal ay nagpanggap siya bilang ITO sa babaeng mahal NITO. Ngunit wrong desisyon yata siya dahil sa pagpapanggap niya ay makikilala niya ang babaeng babago ng buhay niya si Assandra De Franco ang babaeng mahal n...
