Chapter 60

607 6 2
                                    

James Kov Lazaro POV

Kanina ko pa iniili ang cute na cute na si koby dahil siguro sa hindi pa ito antok ay mulat na mulat itong ngite ng ngite na akala mo ay may nilalaro.

Samantalang ang kambal nito ay himbing na himbing sa pagkakatulog sa tabi ng mama niya.

Ilang beses ko itong pinagalitan para matulog na ngunit sanggol pa ito kaya wala akong choice kundi hayaan itong panay ngite.

Napaisip ako bigla sa mga pinagdaanan namin ng mga kaibigan ko lalo na saamin ni Sandra.

Dati ay panay sabi ko sa sarili ko lalo na sa kambal ko na hindi ko ito magugustuhan.

Dahil nga sa dragon ito at isa pa nakakairita ito sa kasweetan.

Pero naglaon ay nahulog ako dito dahil sa naramdaman ko sa kanya.

Hinalikan ko sa noo ang asawa ko na himbing na himbing rin sa pagtulong.

Napangite ako dahil sa nangyari ay ngayon kasama ko na silang tatlo.

Nilaro laro ko ang pisnge ni kovy habang tulog ito sa tabi ng mama niya.

Samantalang si koby ay nakatulog narin sa tabi ko.

Bumangon ako at lumabas sa silid namin para uminom ng tubig.

Napansin kong parang may tao sa kusina kaya hinablot ko ang baseball bat sa kilid ng pinto ng biglang bumulaga si sebastian.

" Tangina ka! Papatayin mo yata ako sa takot. " sabi ko sabay patong ng baseball bat sa maliit na lamesa.

" Sabihin mong matakutin ka talaga! " sabi nito tsaka parang may tinitignan sa labas ng bintana.

" Hindi ka rin ba makatulog? " tanong ko dito sabay lagay ng tubig sa baso.

" Sama ng pakiramdam ko sa palibot ng mansion. " sabi nito na wala manlang lingon-lingon saakin.

Uminom ako tsaka iniwan ang baso sa lamesa tsaka tumingin na rin sa bintana.

" Ano tinitignan mo diyan? " sabi ko na wala naman akong makita.

Ilang minuto pa kami doon sa bintana habang tinitignan ang labas.

" Hoy! Ano ginagawa niyo diyan? " rinig naming sabi ng boses lalaki.

" Tangina ka! " nasabi ko dahil sa gulat.

" Ano tinitignan niyo diyan? " tanong ni Macario.

Lumapit ito saamin tsaka tumingin na rin sa labas.

" Ano ba? May nakikita ba kayong hindi ko nakikita? " tanong nito saamin.

" Tumahimik kayo may paparating. " sabi ni sebastian.

Nakatingin kaming tatlo sa labas habang hinihintay ang paparating sabi ni sebastian.

" Wala naman! " bulong ni macario.

Nagulat kami ng may makita kaming tatlong malalaking aso.

Napatakip pa ako ng bibig dahil sa mga mukha nitong nakakatakot.

" Dahan-dahan na kayo bumalik sa silid niyo at sabihan ang iba na kahit ano mangyari wag lalabas. " utos ni sebastian.

Narinig ko pang tinanong ni macario kong ano itong mga nilalang ngunit hindi na sumagot si sebastian.

Makarating sa kwarto ay agad ko ginising si sandra na nagalit pa ito dahil sa pagkakagising ko dito.

The Substitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon