Chapter 62

366 8 0
                                    

CHAPTER 62

" Ang kati kati naman dito." Reklamo ni Macario.

" Bakit may gubat bang mukhang kalsada? " sabat ni Trewer

" Tumigil na nga kayo para kayong bata. " saway ni Theron.

" Kailan ba naging adult mga yan? " sabi ni Sebastian.

" Shhh wag nga kayo maingay buti pa ay bilisan niyo maglakad ng makarating tayo ng mabilis." sabi ni Zion

" Ito na oh naglalakad na. " sagot ni Macario

" Ikaw kasi ang reklamador mo. " sabi ni Trewer

" Aba totoo naman. " sabat naman ulit ni Macario.

Ilang oras na sila palakad lakad ngunit hindi yata matapos tapos ang tinatahak madilim na rin at pagod na sila kaya naisipan nilang magpahinga sa malaking puno na ayon pa kay Theron ay kapre ang nanahanan.

Nakaupo sila lahat habang iniikutan ang apoy na ginawa nila kanina upang maging ilaw nila.

" Mahirap ba maging hindi normal? " tanong ni macario.

" Tanong mo kaya sa sarili mo kong mahirap? " sabi ni Calum.

" Oh bat saakin? Kayo nga tinatanong ko e. " sabi ulit ni Macario.

" Kong ikaw nahihirapan sa sarili mo kami pa kaya. " sabi ni Trewer

" Seryoso? " tanong pa ni Macario.

" Matulog na nga kayo. " sabi ni Sebastian na tumayo na at tumungo sa higaan niya.

" Oy Seb seb tabi tayo. Remember? " sabi ni Knight.

" Humiga ka na dito baka tumabi si James kawawa ka. " sabat ni Sebastian.

" Oy hindi ako tatabi sayo sebastian mahirap na baka magtampo ang babi Theron ko. " ngiteng sabi ng lalaki na kinatawa ng iba.

" Ako? Sino katabi ko? " tanong ni Macario.

" Ewan ko sayo. " sabi ni Trewer na nasa ibabaw na ng puno

" Ikaw? Saan ka ba? " tanong ng lalaki kay Theron.

" Magbabantay ako. " sagot ni Theron.

Napatingin siya kay Calum na agad naman ito nawala at nakita niya nalang ay nakatayo nalang ito sa malayo habang sinasabing " Maghuhunting ako ng baboy ramo medyo kulang daw hapunan ng sikmura ko. "

Napayuko nalang ito tsaka may naisipan na kapilyohan pero ng pag angat ng ulo niya ay wala na ang babae nilang kasama na nasa tabi niya lang kanina.

" Ay iniwan ako. " sabi niya sa sarili habang palinga linga pa ng marinig ang alolong ng aso kaya napatakbo siya palapit kay knight at sumiksik dahil sa takot.

Sa hindi nila alam may isang nilalang na kanina pa palihim na nakamatyag sa kanila at pinag aaralan ang mga kilos nila.

Alam rin ng nilalang na ito na hindi lang basta nilalang ang mga ito na kanyang pinagmamasdan.

Bumubulong ang hangin sa kanya habang pinagmamasdan ang isa sa mga nilalang na kanyang minamatyagan simula kanina.

Taga kabilang daig din ang nilalang na ito at gaya ng iba masyadong napakainosente niya pa sa mga bagay na kanyang nakikita.

Naging alerto siya ng mapansin niyang may padating kaya nagtago siya sa medyo malabong na parte ng kahoy.

Isa itong matangkad at napakaputing nilalang sa kanyang naiisip isa itong bampira.

Agad naman siya nagreklamo na parang asong handang lumusong sa kanyang kaaway.

Narinig niya ang hangin na sinasaway siya sa balak niyang pagsulong dito pero hindi niya mapigilan ang sarili sa pagkat mortal na kaaway nila ang mga bampira.

The Substitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon