Chapter 54

455 9 0
                                    

Calum POV

Himbing na himbing natutulog si chugo sa tabi ko.

Andito kami sa kanyang silid pinagpahinga ko dahil  sa matapos kami mag-usap kong paano daw kami nagkilala ng kanyang ina ay nagyaya ito makipaglaro.

Kaya ito siya ngayon mahimbing natutog sa tabi ko.

" Dati gustong-gusto niya daw ikaw kayakap habang natutulog siya. " rinig kong salita ni zion.

Nakita kong nakadungaw ito sa pinto habang tinitignan si chugo.

Pumasok naman siya na may dalang pagkain akala niya kasi gising pa ito.

Sinabihan ko naman siyang papakainin ko nalang ito kapag nagising na.

" Kong andito si hugo magiging masaya ito para kay chugo. " sabi ni zion.

Tumingin ako sa bata at hinimas ko ang ulo nito.

" Alam mong alam kong hindi niya gusto na makilala ako ng bata. " sabi ko sa kanya sabay tingin.

Yumuko naman ito at sinabing " nag- iba na si Hugo simula ng umalis ka. "

Tumingin naman ako sa anak ko tsaka hinalikan sa noo nito.

" Hindi ako aalis kong hindi niya ako pinaalis, hindi magagalit si chugo kong hindi niya nilihim tungkol sa anak namin. " sabi ko pa dito.

" Dahil ayaw niya pati ikaw ay madamay sa gulo niya. " sagot naman ni zion.

" Mahal ko siya! " sagot ko sa kanya.

" Gusto ko lang ay mabuhay kasama siya at ang magiging anak namin pero inalayo at inilihim niya si chugo saakin na lumaki anak naming hindi ko man lang narinig unang pag-iyak niya at pagsasalita. " sabi ko na may luha na sa gilid ng mga mata ko.

" Ginawa lamang iyon ni hugo dahil mahal ka niya at ang anak niyo. " sagot nito saakin.

Hindi na ako nagsalita sa halip ay tinignan ko ang anak ko bago ito hinalikan sa noo ulit at nagpaalam na aalis mo na.

Naglakad na ako palabas ng makasalubong ko si theron na nakatitig saakin at walang imik.

Hinawakan ko ito sa kamay na bigla naman ito napaatras saakin.

" nangyayari sayo engkanto ka! " sabi ko sa kanya.

" Pagpasensyahan mo na si vaino hindi naman iyon sinasadya ng anak ko. " sabi ni theron.

" Ako nalang saktan mo wag lang ang anak ko calum. " sabi pa nito.

Nagulat naman ako sa mga sinabi niya na agad ko naman naalala ang pagsusumbong kanina ni chugo na tinulak siya ni vaino.

Na sinabihan ko nalang ang bata na sa susunod ay wag na sila mag-away dahil magagalit ang mama niya pagnalaman ito.

Napangite ako tsaka siya tinapik-tapik sa braso niya.

" Hindi ka galit? " tanong niya saakin.

" Away bata iyon theron alam mo naman mga bata ngayon mag-aaway at magbabati tulad niyo ni trewer. " sabi ko dito na agad naman sumingkit mga mata nito lalo.

" Easy bro biro lang naman. " sabi ko sa kanya at nagpaalam na umalis na.

Theron Wyatt POV

Lagi ko naalala ang tagpong iyon ang tungkol sa batang lalaki.

Gusto ko man sabihin ang totoo sa totoong ama nito ngunit ramdam kong mahihirapan yata ako.

Matagal na ang ala-alang iyon ngunit sariwa parin kong paano siya napadpad saamin.

Flashback

Pauwi ako sa bahay nila mama ng gabing iyon na medyo malayo pa sa gate ay may nakita akong babae.

May bitbit itong supot na karga niya at iniingatan ito.

Sa tingin ko ay parang gabi na para tumindi pa ang babae saamin kaya ng malapit na ang kotse ko sa kanya ay hindi manlang ito tumakbo na pagkababa ko ng kotse ay nakilala ko agad ang babae.

Si Hedie ang dating nurse ni trewer nong may sakit pa ito.

Umiiyak ito habang may kargang sanggol nagkatinginan kaming dalawa dahil umiyak ang sanggol.

Lumapit siya saakin at sinabing alagaan ko ang bata dahil hindi niya kayang buhayin ito lalo ng nasa pahamak silang mag-ina.

Binuhat ko ang bata na tumahan naman sa pagkakaiyak na hinalikan pa ito sa noo ni hedie.

Sinabi niyang anak daw nila ito ni trewer na akin naman kinagulat dahil ang sanggol na iyon ay pamangkin ko.

Nakiusap siyang wag ito sabihin kay trewer dahil baka hindi nito matanggap ang anak at saktan niya lang ito.

Nakiusap din siya na Thycko ang ipangalan sa bata dahil iyon ang nais niyang pangalan nito.

Mahirap man tanggapin ang hinihiling nito dahil parang niloko ko na si trewer at pinagkaitan ng anak.

Lalo pang nagkakagulo kami non dahil sa nais nitong bumalik sa conseho.

Umalis si hedie at naiwan ang bata saakin na inangkin ko naring anak.

Pagpasok ko sa bahay ay gulat sila na may dala na akong sanggol na pinag-awayin namin mag-asawa dahil anak ko daw ito sa kabit ko pero sinabi ko naman na nakita ko lang ito sa labas ng bahay.

Tuwang-tuwa naman sila mama at papa dahil may bago naman sa pamilya.

Kinarga pa ito ni trewer na titig na titig siya dito na sa oras na iyon ay gustong-gusto ko na sabihin na anak niya iyon kay hedie.

End of flashback

Ngayon lumalaki na ito at ayaw ko naman lumaki itong malaman pa sa iba ang totoo kaya ito ako nakaupo sa sofa habang tinititigan ito habang nagbabasa ng libro.

" Oh mahal okay kalang ba? " rinig kong tanong ni theo saakin.

Sumagot naman ako at nagpaalam na lumabas lang saglit para magpahangin.

Sebastian POV

Mula sa malayo ay naririnig ko ang hinaing ng isang babae na umiiyak at tinatawag ang pangalan ni trewer.

Nasa isa itong silid kong saan ay nakatali na ito ngayon kasama ang isang lalaki.

Ilang beses na ito sinaktan ng lalaking may hawak na tungkod at nakangite pa ito habang sinasaktan ang lalaking nakatali.

Biglang nawala ang pangitain ko at nakaramdam ako ng panghihina.

Natumba ako sa upoan na agad naman ako sinaklolohan ni kara.

Agad naman pumasok sila Demelio at Tarugo tsaka ako inakay para ipahiga sa sofa.

Ilang beses nila ako tinatawag ngunit nahihilo talaga ako na pati pagtingin ko sa kanila ay medyo hindi ko na naaniwagan.

Nalaman kong ang babaeng iyon ay si Hedie at ang lalaki ay si Diego na half brother ni james.

Sabay non ay bigla nagdilim ang aking ulirat.

AN: Hello! mga babies. Pasensya sa late Update kasi naghahanap na ako ng trabaho pero 😊 Anyway thank you sa mga walang sawang nagbabasa at nagvovote at magbabasa pa ng story ko i hope na hanggang sa ending ay masuportahan niyo ito.😘

Just follow me on my Social media:

Facebook Page: Hugotera_maganda

Instagram: Samm27gae

Thank you & Godbless 😘

The Substitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon