Sa kabilang dako habang naglalakbay sila Sebastian at ang mga kasama nito hindi akalain ng mga naiwan na nakapasok pala ang mga nilalang na hindi nila inaasahan.
Masyadong malalakas ito kaya ang tanging nagawa ng iba ay iligtas ang sarili maliban sa mga batang ito na kong titignan mo ay walang ka moang-moang sa nangyayari.
Dahil mas matanda sa kanila si Thycko na anak ni Trewer tinipon niya ang mga batang kasama habang karga ang dalawang kambal na Koby at Kovy.
Nakikipaglaban ang groupo nila Coreen pero mas malalakas talaga ang mga nilalang na unti-unti na sila sinasakop.
Napatingin ang batang si Otep sa labas gusto niya man lapitan ang ina at tiya nito ngunit pinigilan siya si Chugo.
Magkahawak kamay naman sila Verno at Vaino habang nasa tabi ni Thycko.
Takot ang nararamdaman nila ngunit sila nalang ang natitirang nakaligtas sa nangyayari ngayon.
" Saan ang mga bata? Hanapin niyo mga inutil! " sigaw na sabi ng boses lalaki.
Napapikit pa si Chugo ng marinig ang hiyaw ng mga nilalang na alam niya ay sinasaktan at unti-unti ay kinukuha na ang buhay.
" Sumunod kayo saakin." Seryosong sabi ni Thycko sa mga kapwang bata na kasama.
Hawak kamay sila ng biglang napansin nalang nila nasa ibang lugar na sila.
Iba ang nakuha ni Thycko na kapangyarihan dahil nakakaya niya mapunta sa ibang lugar gamit ang isip.
" Kuya thycko! Saan na ba tayo? " tanong ni Verno sa nakakatandang pinsan.
" Kuya? Andito ba sila papa? " tanong din ni Vaino sa kanya.
Wala siyang maisagot sa dalawa dahil wala naman ang mga hinahanap ng mga ito dito.
Dahan-dahan niyang nilapag ang kambal na Koby at Kovy sa may damuhan tsaka may binigkas kaya namangha ang mga kasama.
Nasa harap sila ng malaking puno na pinto ng isang bahay ito ang sekretong lugar niya kapag nag-iisa.
Kinuha ang kambal sa damuhan tsaka pinapasok ang mga kasama dahil sa baka masundan sila ng mga nilalang na umataki sa tahanan na tinitirhan nila.
" Pasamantalang dito muna tayo hangga't hindi pa sila papa bumabalik. safe tayo dito kaya kumain na kayo muna." Sabi ni Thycko tsaka kinumpas ang kamay at lumabas ang lamesang may pagkain.
Dahil sa gutom at pagkauhaw hindi natiis ng mga ito na dumugin ang pagkain.
Dahan-dahan namang nilagay ni Thycko ang kambal sa sofa kung saan nakaupo siya.
Gusto niya umiyak dahil sa takot pero paano niya mapapatunayan sa ama na anak siya nito kung naduduwag siya lalo na mas kailangan siya ng dalawang pinsan at kaibigan nitong Chugo at Otep sama niya pa ang dalawang sanggol na mahimbing natutulog.
Bumulong siya sa hangin umaasang may nakakarinig na nilalang mula sa angkan ng ama.
" Kuya Thycko, kumain kana din." Sabi ni Verno sabay abot ng isang pirasong tinapay.
Niyakap niya ito habang bumubulong parin sa hangin na sana marinig siya ng ama.
James Kov Pov
Iba talaga pakiramdam ko sa mga oras na ito parang may tumutulak saakin para umuwi na at hindi na tapusin ang mission nato.
" Kanina ka pa diyan aliwasa. May problema ba?" Tanong na sabi ni Sebastian.
Napatingin ako sa kanya sabay sabing " Hindi ako mapalagay parang may nangyayari yata sa mag-ina ko."
BINABASA MO ANG
The Substitute Husband
Ficción GeneralDahil nga sa mahal na mahal niya ang kambal ay nagpanggap siya bilang ITO sa babaeng mahal NITO. Ngunit wrong desisyon yata siya dahil sa pagpapanggap niya ay makikilala niya ang babaeng babago ng buhay niya si Assandra De Franco ang babaeng mahal n...
