Chapter 57

468 9 0
                                    

Niefes POV

Sa gitna ng gubat ay kasama kong namimitas ng halamang gamot ang isang lambana.

Tutulongan niya daw ako dahil sa wala naman siyang magawa na sa tingin ko ay ako lamang ang  naghahanap ng dahon habang siya ay abalang naglalaro sa mga bulaklak nito.

Hahakbang na sana ako ng may napansin kong parang may mali yata sa lugar na tanging kami lang yata ng lambanang kasama ko.

Asan na kaya yong ibang nilalang na naninirahan dito at ang tahimik yata.

Nakita kong nagtago ang lambana sa mga dahon na akin naman ito pinagalitan ngunit panay turo lamang nito sa likod ko.

Napansin kong may nakatayo sa likoran ko ng akin itong lingonin ay nagulat at napaatras pa ako.

Ang mahal na prinsipe na nakatayo habang kumakain ng hawak nitong prutas.

" Alam mo niefes ilang oras kana dito ngunit iilan lamang ang iyong napipitas. " sabi nito.

Agad naman ako yumuko dito bilang pagbigay ng respito na agad naman ako hinila nito patayo na akin kinagulat.

" Wala tayo sa kaharian ni ina kaya tumayo ka diyan at hayaan akong tulungan ka. " sabi pa nito at nauna ng naglakad.

Laki ng pinagbago ng mahal na prinsipe simula ng umalis ito sa kaharian bilang isang tao tulad ng ama.

" Dalian mo na diyan niefes. " sabi nito.

Sumagot naman ako dito at nagmading lumapit sa kanya.

" Mahal na prinsipe ano po ginagawa niyo dito? Sadyang mapanganib para sainyo na andito kayo sa..." hindi ko natapos sasabihin ko ng magsalita ito.

" Ano ka ba niefes? parang ayaw mong makita ako. " sabi nito sabay tingin saakin.

" Okay trewer ano ginagawa mo dito? " tanong ko dito habang nakapameywang.

Tumawa naman ito at nilapit ang mukha saakin at sinabing " Miss kasi kita. " tsaka ginulo ang buhok ko.

Dahil sa naiilang ako sa kanya ay nauna ako lumakad at binaling ang paningin ko sa madadaanan ko.

" Ano ba yan iniiwasan mo na ako. " rinig kong sabi nito ngunit hindi ako sumagot at lumingon.

Narinig kong tumatawa ito sa likod ko habang may kinakausap na kong tama ako ay ang lambanang kasama ko.

" Talaga? Kanino? " rinig kong sabi nito.

Gusto ko tumakbo ng mga oras na iyon dahil sa naiilang ako kapag si trewer ang kasama ko hindi ko alam kong bakit.

Narinig kong tinawag ako nito na nagpanggap pa akong hindi ko ito narinig ngunit ng banggitin niya ang salitang iyon ay napatigil ako at napayuko.

" Kailan mo pa sasabihin saakin? " sabi niya habang hinawakan kabila kong balikat para ipaharap sa kanya.

Hindi ako tumingin sa kanya dahil natatakot ako sa pwedi niyang maging reaksyon.

" Bakit mo kailangan iyon gawin? hindi na ba ako mahalaga sayo? " rinig kong tanong niya saakin.

Nag-unahan ng tumulo ang aking mga luha dahil sa ramdam kong nasasaktan siya sa nalaman.

" Patawarin mo ako trewer pero kailangan dahil gusto iyon ni ama. " sabi ko dito sabay tingin sa kanya na ganun rin pagbitiw ng pagkahawak saaking balikat.

Ikakasal na kasi ako sa mga susunod na araw kaya hinahayaan ko sarili ko maenjoy ang lagi kong ginagawa dahil oras kinasal ako magbabago na lahat.

Wala na akong narinig sa kanyang salita nakatingin lang ito saakin na parang hinihintay ang mga sasabihin ko.

The Substitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon