Chapter 58

485 9 0
                                    

Theron Wyatt Alcantara POV

Buong sulok ng silid namin ay tinignan ko na ngunit hindi ko parin makita ang hinahanap ko.

Tinanong ko na ang asawa't mga anak ko tungkol sa tatlong itlog ngunit pati rin sila ay hindi rin alam kong asan.

Kong alam lang nila kahalagahan nito sa akin dahil mula pa iyon sa kaibigan ko.

" Verno, baka naman tinago mo dagdag sa collection mo anak. " sabi ko pa sa anak kong babae.

" Dada, bato lang ho collection ko pagnahanap natin yong egg idadagdag ko pwedi. " sabi pa nitong parang nang-iinis.

Napabuntong hininga ako dahil baka nasa kamay na ito ng masamang nilalang.

May nakita akong supot na agad ko naman binuksan at pinagmasdan teka diba binigay ko na ito kay trewer bat binalik pa niya.

Bigla kong naalala ang araw na umalis si trewer para umalis papunta sa labas para humanap ng information.

Naalala ko rin na may binigay akong boto pero naalala kong hindi pala iyon ang mga ito.

" Naloko na! " sabi ko na agad ko naman pinuntahan si theora sa kusina at sinabing iba ang naibigay kay trewer.

" Anak ka talaga ng engkanto theron! Paano kong napisa na iyon at hindi mapaamo ni trewer. " sabi pa ni theora saakin.

" Aba! hindi niyo sinabi nag-aalaga kayo ng dragon. " sabi naman ni Kara na andon rin.

" Paano na yan? " tanong ni theora saakin.

Sinabi ko naman na dapat maibalik ni trewer mga ito.

" Paano natin macocontact si trewer e kahit cellphone wala tayo aber! " sabi ni theora.

Kahit ako ay hindi rin alam kong paano pabalikin si trewer dito para makuha ko na mga ito sa kanya.

Bigla naman dumating si Sebastian at tinanong kong bat galit na galit ang dalawang babae.

" Paano ba naman itong si theron binigyan ng itlog ng dragon si trewer. " sabi ni kara.

Nakatingin namang sumingkit mga mata ni sebastian saakin at sinabing " Nag-aalaga ka ng dragon sa mansion ko. "

Sinabi ko naman dito kong saan ito galing at balak ko naman ito balik sa kaharian ni ina.

Ilang minuto pa nila ako pinagalitan dahil dito kulang nga lang ay ipagkalat nila sa buong mundo tungkol dito.

" Paano na yan? " tanong ni Macario.

Andito na kami sa sala iniisip kong paano pabalikin si trewer.

" Lalabas ako at hahanapin siya. " sabi naman ni matte.

Hindi naman ako pumayag dahil hindi namin alam ang pwedi mangyari saamin.

" Buti pa ay hintayin natin siyang bumalik. " sabi ni Knight.

" Tama si knight! " sang ayon ni benjamin.

" Susubukan kong kausapin ang nasa labas ng mansion baka mahanap nila si trewer. " sabi ni sebastian.

Hindi naman nagtagal pag-uusap namin lahat at bumalik sa kanya kanyang silid.

Tanging ako lamang naiwan sa sala habang alalang iniisip si trewer at ang tatlong itlog.

Trewer Crae Alfonso POV

The Substitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon