Chapter 63

254 4 0
                                        

Kasabay ng paglaho ng Academia ay ganun din ang paglaho ng mga nakakonektado dito at kasama na doon ang mga nilalang na nag alay ng buhay nila para sa kaligtasan ng lahat.

Sa kabilang dako non ay ang pagsira ng Itim na Gubat o Dark Forest dahil pwedi pa rin ito maging tirahan ng kampon ng kadiliman lalo't wala na ang dakilang makapangyarihang Mangkukulam na nakatira sa bukal kong asan andon ang kanyang tirahan.

Ngilid sa kaalaman ng lahat magbabalik lamang ang academia at itim na gubat kapag muling binuhay ng isang nilalang na may itim na dugo.

Ngunit sa kaalaman na iyon ay marami ng sumubok ngunit nabigo lamang sila at nakulang ang kanilang kaluluwa sa paniniwalang sila na ang nilalang na iyon.

Sebastian Nicholas Pov

Nakaupo ako sa isang gilid kong asan inaalala ang mga nangyari noon simula ng nilisan na namin ang academia at nabuhay ng normal.

Marami ang nagbago simula non at kahit magulang namin ay hindi makapaniwala sa mga nangyari kong bakit napakaswerte namin at iilan lang saamin nakaligtas.

" Birthday ngayon ni Chugo pero wala ako sa tabi niya para batiin siya at bigyan ng regalo. " sambit ni Calum.

Napatingin naman ako sa direksyon niya tsaka ko nakita na nilapitan siya ni James at Theron.

" Wag kamag alala makakauwi din tayo pagkatapos nito. " sabi ni Theron.

" Tama si Theron! " sang ayon ni Zion.

" Siguro miss na miss niyo na mga anak niyo ano." Sabi ni Macario.

Tumango naman kami bilang tugon sa kanyang sinabi.

Subrang miss ko na ang anak ko.. 😞

" Sana okay lang sila doon. " sabi ni Trewer.

Kahit ako ay ramdam ko ang pangungulila sa anak ko na kahit itago ko man ay halata pa rin.

" Matapos lang talaga ito magbabakasyon ako mag-isa ko yung malayo." Sabi ni Trewer.

" Excuse me kuya! Baka nakakalimutan mo may anak kana! " paalalan' sabi ni Theron sa kambal.

Narinig kong tumawa ang mga kasama namin dahil sa sinabi ng lalaki.

Mukhang nag-aamoy tampohan naman sa pagitan nilang dalawa hilig kasi ni Trewer mag-isa at sarili lang iniisip kaysa kambal nito kulang nalang talaga dahil sa kabaitan pati yata mga insekto papatirahin niya sa bahay nila.

Hindi nga ako nagkamali nagbangayan nga ang dalawa mas lalo pa ito ng gatungan ng dalawang asungot. Si Knight at Macario

" Ay naku! Away bata na naman." Rinig kong sabi ni Calum.

Hindi tumigil ang apat sa kakadaldal ng biglang napasilip ako sa labas sa bintana kung asan kami.

Kahit pala gabi na ay marami parin' tao sa labas hindi yata sila takot sa pwedi mangyari sa kanila.

Sa bagay mga taong lobo naman sila kaya nagagawa nila gusto nila kahit umaga at gabi hindi tulad sa lahi nila Calum na gabi lang ang araw at gabi para sa kanila.

Pero medyo unique ngalang to kila Calum kahit ganun kasi nasusunog lang sila pero gagaling naman hindi tulad sa iba masusunog na nga mawawalan pa ng buhay.

Mula sa hindi kalayoan may nakita akong bata masaya itong naglalaro mag-isa akala mo naman may kalaro pero titignan mo ay wala.

" Hindi ka dapat na mamangha sa iyong nakikita." Rinig kong sabi ni Zion mula sa likuran ko.

Hindi ako tumingin sa kanya kundi ay titig na titig ako sa batang nakikita ko mula dito sa kinakatayoan ko.

Hindi ako kumurap sa kakatitig sa kanya ng bigla itong nawala sa paningin ko.

Napatingin ako kay Zion at tumingin lang din ito saakin sabay sabing " Masyadong mahiwaga ang kanilang lahi kaya dapat mag-ingat." sabay non ay ang pag-upo nito sa pwesto niya kanina.

Tumingin ako muli sa direksyon ng bata kanina ng makita kong andon na ito at nakatingin saakin dahilan para bumalik ako sa kakaupo ko sa gilid sa tabi ni Calum.

" Anyari sayo? Parang nakakita ka ng multo diyan." Tanong nito saakin dahilan para mapatingin saakin mga kasama ko.

Sinabi ko naman na wala masyadong malikot lamang aking isip kaya kung ano na napapansin ko.

Buti nalang naniwala sila kaya sinarili ko ang nakita ko kung bat ganun ang bata makatingin akala mo naman talaga kakainin na ako.

Naku naman wag lang may anak pa akong naghihintay at magpapakasal pa kami ni Klara.

Zion's Pov

Alam kong hindi sila basta ordinaryong nilalang dahil minsan ko narin ito naengkwentro nong naglakbay din ako dito dahil sa umaasa akong matatagpoan ko ang hinahanap ko.

Paikot-ikot na ang katulad nila sa bawat generasyon kaya nalalahiyan sila ng iba at mas lumalakas sila.

Kaya ka nila pabagsakin sa isang tingin lang nila at kaya nila maglinglang.

Pangatlo sila sa mga nilalang na kinakatakotan ng lahat kaya ang kailangan mo lang ay ang mag-ingat sa kanila.

Nakaupo ako sa isang gilid iniisip na sinisubukan yata nila linlangin si Sebastian ngunit pangalawang mas malakas ang lahi nila sebastian tulad nila.

Mas kailangan namin mag-ingat lalo't pa'y may mga kasama kaming tao na mabilis lang nila magamitan ng kanilang kapangyarihan.

The Substitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon