Chapter 65

680 7 0
                                    


Umiiyak sa harap ng isang nilalang ang babaeng nagsisi sa kanyang nagawa kung bat pati siya ay nadamay sa magulo at hindi makakapaniwalang bagay sa mundo.

Siya na lamang ang nabubuhay sa silid na iyon dahil sa pinatay ng nilalang na nasa harap niya ang lalaking kasama.

Akala niya sa fantasy lang nangyayari ang lahat ngunit hindi niya inaasahan na nangyayari ito mismo sa kanyang buhay.

Ilang beses na rin siya nagmakaawa sa nilalang na ito ngunit parang binge ito na hindi man lang siya naririnig.

Umaasa pa rin siya na ililigtas siya ng lalaking kahit kailan ay minahal niya ngunit natakot siya na malaman nito ang tungkol sa anak kaya siya mismo gumawa ng paraan kahit minsan man lang sana ay ang anak niya nalang ang tanggapin ng lalaki.

Sa akalang walang pakialam ang lalaki sa kanya hindi niya man minsan inisip na kaya ba siya nito hanapin kasi nga diba umalis ito.

" Akala mo ba mahal ka ng engkantado na yon! Mas mahalaga sa mga tulad nila ang bantayan ang gubat kaysa magmahal." Sabi ng nilalang na nasa harap niya.

Wala siyang sinabi manlang dito kundi ay umiyak lang siya at sinasabi sa sarili na nagpapasalamat siya dahil sa huli nilang pagkikita ni Trewer ay naramdaman niyang importante siya dito kahit na malabo ito.

" Sa baba ng antas nila ang dapat sa lahi nila pinapatay! " sabi ng nilalang sabay tawa ng malakas.

" At sa tingin mo mataas ka? Hindi! Dahil isa kang talonan." Sagot niya sa lalaking nilalang.

" Aba! Nagsalita ang mortal nato! Akala mo ba hindi ko makakayang patayin ka ngayon." Sabi nito sa kanya.

" Sige gawin mo! Hindi yon sinasabi ginagawa yon ng kusa! " sabi niya sabay dura ng laway sa nilalang.

Nakatikim siya ng malakas na sampal na dahilan para kanyang ikatumba.

" Pasalamat ka at may pakinabang ka pa kung hindi baka sinabay na kita sa kasama mo." Sabi nito sa kanya.

Napatingin siya sa nag-aagnas na bangkay na malapit sa kanya ilang araw na ito dito at palagay niya inuuod na ang laman nito.

" Patayin mo nalang ako kaysa gamitin mo lang ako para sa pakay mo kila Trewer." Sabi niya sa nilalang.

" Wag muna! Wag ka masyadong atat! Mahalaga ka pa saakin kaya nagtiis ka diyan!" Sabi ng nilalang sa kanya.

Napaiyak siya dahil sa takot na baka pati anak nila ni Trewer ay idamay ng nilalang na ito kaya mas nakakabuti na siya nalang daw ang mamatay wag lang ang dalawang taong mahalaga sa kanya.

Lumapit ito sa kanya tsaka pinatayo ito habang sabunot ng nilalang ang buhok niya tsaka pinatingin siya nito sa kanya.

" Sisiguraduhin kong mamamatay sila ng mga kaibigan niya pero bago yan uunahin ko ang mga anak nila." Sabi ng nilalang tsaka sabay na tumawa ng malakas.

" Hindi mo yan kayang gawin! Please wag ang mga bata! Ako nalang please." Pagmamakaawa niyang sabi habang umiiyak.

Pinitiwan siya nito habang tumatawa ng malakas palabas sa silid kung asan andon siya kasabay non ang pagsira ng pinto .

Nakaluhod na humahagulgol siya dahil hindi niya lubos maisip na ganito ito kasama na kahit batang nagsisimula palang tahakin ang mundo ay makakaya nitong patayin.

Ilang beses siya nagmakaawa kahit hindi niya alam kung naririnig siya nito na wag na ang mga bata siya nalang kung maari pero walang silbi mga sinabi niya dahil wala itong balak na i-atras ang sinabi.

Nilalang PoV

“ Mga hangal! Kahit mga paslit ay nagawa pa kayong takasan! Akala ko ba kayo ang pinakamagagaling kong taga sunod! ” Galit kong saad sa limang nilalang na nasa harapan ko.

The Substitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon