Chapter 33

1.4K 39 1
                                    

James Kov POV
...

Kanina ay nagmasid-masid at nagtanong - tanong ako sa mga katiwala ni Sebastian tungkol sa kanya ngungit ang tanging nakuha ko lang ay yung tungkol sa buhay nila dati.

Simple at mapayapa ang pamumuhay nila. Isang politika ang kanyang ama at ang kanyang ina naman ay sa tahanan lang.

Nag iisang anak ngunit may kapated sa labas si sebastian.

13 anyos ng malaman nila ng kanyang ina tungkol dito kaya napilitan na umalis ito at pumunta ng ibang bansa.

Malaki ang galit niya sa ama kaya ng mamatay ang ina dahil sa subrang lungkot sa nalaman napilitan ulit siyang umuwi ng pilipinas at nagpursigi makatapos ng pag aaral hanggang sa dumating ang araw na pinjntahan daw ito ng katiwala ng ama kaya napilitan siyang sumama.

Naawa daw ito sa ama kaya bumalik ito sa mansyon at inalagaan ang Ama ngunit ng araw ng kanyang Graduation ay doon nawala ang kanyang ama.

Nakatapos siya sa pagiging doctor at sa pagiging Abogado kumuha din siya ng kusong Pulis ngunit hindi niya ito tinapos.

Ang Sayang naman kung ganun!

pero ganun pala kaya nag iisa siya?

pero bat hindi niya kinuha ang kanyang kapated?

sa mga nakamit niya dapat ibahagi niya ito.

Ganun na ba siya ka damot sa mana?

Ganun na ba siya makasarili? O sadyang may dahilan rin siya?

Bat ba ang daming tanong sa isip ko?

lumapit ako sa may bintana mula roon tanaw sa baba dito ang Gate na malapit sa Garden.

May nakita akong dalawang sasakyan na tumigil at may bumabang lalaking matangkad at medyo kaputi an.

Nakita kong nagdoor bell siya
May bumaba ring babae at dalawang lalaki.

Teka bat parang kilala ko ang isa roon!

Mga pamilya ko ba sila?

Kukunin na ba nila ako?

Nakita kong nakapasok na sila dahil binuksan ito ng isang katulong at ng may biglang " senyorito baba na po para kumain" sabi ng boses babae.

Ako ba tinatawag niya?

"Andiyan na manang salamat.. " sabi ko

Wow feel na feel ko rin eh...

Kinuha ko na tungkod ko at lumabas na ng kwarto pero bago yun may narinig akong boses ng babae sa kabilang kwarto na ayaw Buksan ng kahit sino.

" ano? Sino mahal mo huh? Siya parin ba huh?" Galit na boses ng lalaki narinig kong nagsalita.

Shit! nasaan nga ba ako?

Bat parang feeling ko kinidanap ako.

"Ulitin mo pang lumabas ng kwartong to makakatikim ka sakin" sabi ng lalaki

Whoaa that voice. Boses yan ni Sebastian

Narinig kong papalapit na siya sa pinto kaya pumasok ulit ako sa kwarto at

" whoaaa " sabi ko

Nakita kong may dugo kamay niya kaya

" napaano yan?" Tanong ko na parang inosente

Ngumiti siya at sinabing " nasugat lang ako ng salamin, nabasag kasi"

Salamin nga ba?

"Tara baba na tayo kakain na" sabi niya

The Substitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon