Chapter 56

508 9 0
                                    

Diego Sandoval POV

Iyak ng iyak si hedie habang tinatawag ang pangalan ng lalaki.

Humihingi ito ng tulong na kahit ako ay hindi alam kong naririnig siya nito.

Itatakas ko na sana ito ng mahuli kami ng isang bantay na agad naman ito sumigaw kaya napalibutan kami nito at nahuli.

Suntok, sipa at ilan pang bagay ginamit para lang makaramdam ako ng sakit.

" Ayoko sa lahat ay pinagtataksilan ako. " sabi ng lalaki.

" Van, kalimutan mo na ang usapan natin pakawalin mo na kami. " sabi ko dito.

Nagalit ito kaya gamit ang tungkod ay hinampas niya ito saakin.

" Ang usapan ay usapan. " sabi nito.

Namakaawa si hedie dito ngunit hindi ito nakinig naglakad ito umalis ng silid.

Kaya nagsimula naman umiyak si hedie habang tinatawag ang pangalan ni trewer.

Kahit ako ay naiinis sa sarili ko kong bat humingi ako ng tulong sa nilalang na ito na alam kong may kapalit ang tulong niya.

Pinatahan ko si hedie at sinabing ipunin ang lakas.

Calum POV

Bumalik ako sa silid kong saan mahimbing natutulog si chugo.

Hinalikan ko ito sa noo dahilan para magising ito.

Ngumite naman ito saakin tsaka niyakap ako.

Sinabihan ko naman ito na napasarap tulog nito kaya hindi ko na ginising para kumain.

Nagyaya naman ito sa kusina para kumain gutom na daw siya.

Wala akong nagawa kundi ang sundin siya dahil timing naman para ipakilala ko siya kila ama at ina.

Pagkalabas namin ng silid ay nakita kong nasa pinto sila vaino, verno, otep at thycko.

Nagtaka pa nga ako bat hindi man lang ito kumatok para makapasok.

May dala silang chocolate at ice cream para daw kay chugo.

Ngunit nagbiro si chugo na tao ang gusto niya kainin kaya napaatras ang mga ito.

Nakakatawa lang isipin dahil kahit silang apat ay napaatras kahit alam naman na kalahating tao lang sila.

Tumawa naman si chugo at sinabing biro lang kaya pinapasok namin ang mga ito para doon nalang nila kainin ang mga dala nilang pagkain.

Nagkwentohan sila tungkol sa mama ni chugo at kinwento naman ng angel ko ang pagkakilala ng mama niya.

Narinig ko pang sinabi ni verno na sana ganun rin maging buhay pag-ibig niya na kinuntra ng kambal niyang si vaino dahilan para magtalo sila.

Hindi naman iyon nagtagal at nagpaalam ng bumalik sa kanilang silid baka hanapin sila ng magulang nila.

Sinabi ko naman kay chugo na sandali lang kami lumabas ng mansion ng tito sebastian niya para pumunta sa lolo at lola niya.

Nagbihis pa ito tsaka nagpaalam kila zion na magkasama kaming aalis na pinayagan naman nila.

Trewer Crae Alfonso POV

Pagsamantala akong namalagi sa tahanan nila dominick kasama ang asawa nitong si Agsortha at ang tatlong anak na kambal na sila Dalton, Dawson, at Daxton.

Mas ligtas daw ako doon sabi ni ina ng madali-an akong pumunta sa bahay ng mga ito.

Sabi ni ina ay kahit sila at ang kaharian ay hindi na rin ligtas kaya humingi ito ng paumanhin dahil sa hindi pagsama nito sa mansion ni sebastian.

The Substitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon