Chapter 59

498 3 0
                                    

Dahil sa mautak si isaac ay inuna niya ang mga tribo ng mga nilalang na naninirahan doon kasama ang tribong pinamumunoon ng ama ni niefes.

Dahil sa ayaw malagay ang anak sa kapahamakan ay pinatakas niya ito mula sa nilalang na sumira ng kanilang tirahan.

Kitang kita pa ng babae ang pagsasakripisyo ng ama para makatakas siya.

Sa kasamaang palad ay nadamay rin ang lalaking papakasalan sana nito at ang ama.

Tanging ina niya lamang ang kanyang hinanap ngunit nakita niya itong wala naring buhay.

Galit ang kanyang nararamdaman ng subukan niyang lumaban ay pinigilan siya ng lambanang laging nakabantay sa kanya.

Tumakbo siya ng tumakbo habang umiiyak at tumigil ng makaramdam ng pagod.

Hindi niya maisip na yon na pala ang huling araw na makakasama ang ama at ina.

Wala naman siyang alam kong sino ang nilalang na iyon at bakit sinira nito ang tahanan niya.

Napapaiyak na lamang siya ng dahil sa nilalang na iyon ay maraming inosenteng bata ang nadamay at kasama doon ang sakop niya.

Kinausap siya ng lambana at may ibinigay iyon ang kwintas na sana daw sa kasal niya ibibigay ng ama ngunit dahil sa hindi natuloy ay malungkot itong binigay ng lambana sa kanya.

Umiyak siya ng umiyak na sumigaw pa nga siya ngunit sinabihan siya ng lambana na tumahimik at baka masundan sila ng nilalang na iyon.

Niyaya siya ng lambana na umalis na sa lugar at baka mahanap pa siya nito.

Nasa gitna sila ng paglalakad ay nakarinig sila ng sigaw na boses lalaki habang humihingi ng tulong.

Dahil sa nakilala ito ni niefes ay agad ito tumakbo at hinanap kong saan nagmumula ang boses.

Malamang malapit na ito sa kanya ay kinuha niya naman ang punyal na nasa ibaba ng suot niyang pangbaba ( sapatos ).

Nakita niyang nasa bangin na siya ay napagtantong niya na baka nahulog ito kaya dahan dahan niyang hinakbang ang isang paa at nagulat sa nakita.

Nasa ibaba si trewer habang walang malay na agad niya naman itong nilusong kahit mabato at kong nagkataon ay maari siyang mamatay.

Nakaramdam siya ng kunting hapdi at pananakit pero hindi niya ito ininda sa makita si trewer.

Agad niya ito nilapitan at pinilit na gisingin ngunit hindi ito magising.

Inutusan niya ang lambana na hanapan siya ng gamot  na maaring igamot sa sugat ng lalaki.

Umalis ang lambana kaya naiwan siya kasama si trewer na walang malay ng makarinig siya ng kaluskos na agad niya naman tinaya ang punyal bilang sangga dito ng lumabas ang isang dragon at ito ay si cagrao.

Sinundan ito nila Dieren at Rof na kanya kinagulat na paano nagkaroon ng dragon sa lugar na iyon na sa tagal niya doon ay wala itong nabalitaan o narinig na kwento sa mga nilalang.

Hindi man kalahigan ng tatlo ngunit natatakot siya lalo na kasama niya pa si trewer.

Nagsalita naman si Dieren na wag matakot dahil hindi sila kaaway na sila ay taga bantay ng lalaking kasama niya ngayon.

Napatingin pa siya sa lalaki at tumingin ulit sa tatlong nilalang.

Sabi pa ni Rof na hindi daw masarap kumain ng tao kaya wag ito mag-alala.

Nagdalawang isip man ito ngunit nagtiwala ito sa tatlo na nag-aalala rin para sa lalaking kasama niya si trewer.

Trewer Crae Alfonso POV

The Substitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon