Chapter 45

943 19 0
                                    

Lahat sila sa Conseho ay may ibat ibang ginagawa dahil sa pagdating ng dating nakaupo sa Conseho sa pagkakaalam nila ay ngayong araw daw ito pupunta sa Conseho.

" Kahit ano mangyari ay wag na wag mo mawawala si Otep sa paningin mo. " Babala ng lalaki sa kaharap nitong babae.

" masusunod mahal . " sagot naman ni kate.

" at ikaw naman batang makulit wag ka aalis sa tabi ng mama mo. " sabi niya sa bata tsaka ito hinalikan sa noo.

" opo dada I promise " sabi ng bata tsaka tinaas ang isang kamay.

Ningitian niya ito bago siya lumabas ng opisina.

Mas mabuti ng nag iingat yan ang iniisip niya ngayon.

KNIGHT LIONE TIO POV

Dahil sa pagdating ng babaeng ito mas lalo akong natatakot sa mga mangyayari.

Inisip ko na pwedi ko gawin kapag gumawa siya ng gulo dito sa Conseho.

" Sir andyan na po sila " sabi ng Tauhan ko.

Tumango at ako at umupo sa upoan ko gusto ko siya makita ng personal at makilala.

Kitang-kita ko ang bawat sulok ng Silid na yon sa dami ba ng tao ay kita parin sila.

Pagkabukas ng pinto ay agad niluwa ang magandang babae.

Nakangiti itong naglalakad habang nakasuot ng itim na damit halatang Galing sa mayamang pamilya dahil sa Desinyo ng pananamit nito.

Kasunod nito ang Apat dalawang babae at dalawang lalaki na tulad niya rin ay Pormal ito.

Bumaba pa ako para salubungin sila nakita kong nagbulongan ang karamihan sa mga nagdalo.

Lumapit ako Sa babae sabay hinawakan ang kamay bilang paggalang at hinalikan ito.

Kitang-kita ang ngiti nito sa karamihan na nakatingin lang sa kanya.

" So saan ako uupo?" Tanong niya .

Nagbigay ako sinyas para yong umupo sa unahan ay lumipat nalang sa kabila.

Pumayag naman sila kaya yong bagong limang dumating sila umupo sa unahan.

Pagkaupo nilang lima ay bumalik ako sa taas na upoan doon sila pinagmamasdan.

May kunting sinabi ang Ama ni Calum at tsaka niya inayayahang magsalita ang dating nakaupo sa Conseho.

" I honored and previlige to meet of you and speak here in front. " sabi ng babae.

" Im Hugo Montefalco together with my team. " pagpapakilala niya sa sarili niya.

Sa akin lang ay normal lang naman siya pero kong hindi nahahalata ng iba medyo pakitang tao lang.

Pinakilala niya ang kasama niya una yong babaeng katabi niya Maganda matangkad at walang emosyon sa mukha. Si Zycha Coreen Sol

Ang katabi naman nito ang pinakilala niya maganda at maamo ang mukha. Si Zion Clous Morten-Kiil

Katabi nito ang medyo bata at may kulay white na buhok. Pala ngiti pero bigla nagbabago ang emosyon nito. Si Xeuz Clouner Savedra

Ang huli niyang pinakilala medyo bata ang unang pagdescribe mo sa kanya. Ito ang walang kibo sa kanilang lima. Masasabi kong may sariling mundo yata. Si Sydric Drie Riddle

Pagkatpos niya pakilala mga kasama niya at ang posisyon nito masasabi kong mas mataas sila saakin dahil nauna sila kaysa saakin.

Pero wala talaga akong tiwala sa pagbabalik nila marami ng kwento ang nalalaman ko sa kanila.

The Substitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon