Thanos Sandoval POV
" Paumanhin na sa nangyari sa nang iisang prinsesa ng iyong lahi " Sabi ko sa litrato ng kaibigan kong Ama ni Hugo.
Sana ngayon sa mga nanyayari ay natutulongan ko siya ngunit may dapat akong gawin na hindi ko magawa.
" Patawarin mo ako Stavros pero tadhana na yata ang gumagawa ng paraan para magsama kayo ng anak mo " sabi ko pa.
Umupo ako sa sofa tsaka kinuha ang maliit na box tsaka ito binuksan.
Bumungad saakin ang Apat na bato bilang symbolo ng apat na Tao at ang kwintas ng Ama ni Hugo.
Bago pa man binawian ng buhay ang ama nito ay napagkasunduan namin na ikasal ang dalawa.
Ngunit sa hindi inaasahan mas pinili ng babae na umalis kay makasama ang anak kong si Calum.
Nasasaktan ako sa nararamdaman ng anak ko dahil alam ko simula pa noon mahal niya ang dalaga.
May dahil siguro ito kaya umalis din siya ng malamang hindi tinanggap ng babae ang pagyayang pagpapakasal.
" Thanos "
Rinig kong tawag ng asawa ko mula sa likod ko kaya mabilis kong tinago ang mga hawak kong apat na bato at kwintas na balang araw ay pagmamay-ari ni Hugo.
" Oh mahal! Ano yan? " tanong niya habang nakayakap mula sa likod ko.
" Wala ito " sabi ko tsaka hinalikan siya sa kabilang kamay.
" Iniisip mo ba si Calum? " tanong niya saakin.
Napaharap ako sa kanya dahilan na lumapit siya saakin sa harap.
" Alam kong nag aalala ka sa kanya " sabi pa nito.
Kilalang kilala na ako ni Rain sa ayaw ko at sa mga gusto lalo na pagdating sa mga anak namin pero mas lalo na kay Calum.
" Nasasaktan ko na si Calum. Pinipilit ko siya sa mga ayaw niya gawin. " sabi ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at sinabing " Naiintindihan ni Calum ang gusto mo mahal pero wag ka lang sumubra. " sagot niya saakin.
" Mahal ni Calum si Hugo alam mo at alam ko iyon. Siguro nagawa niya iwan ang babae dahil nasasaktan siya sa nangyari. " sabi ni Rain.
" Intindihin rin natin si Calum. Mahal, " sabi niya pa tsaka lumapit at niyakap ako.
" Malaki na siya kaya hayaan na natin siya sa gusto niya sa buhay " sabi niya pa sabay bitaw ng yakap at ngumiti saakin.
Tama siya dapat hayaan ko na si Calum sa gusto nito sa buhay.
Dapat siguro ay suportahan ko nalang ito pero natatakot ako mawala saakin ang mga anak ko.
Sila lang kasi ang bunga ng pagmamahal ko sa kanilang ina.
Wala akong hinihiling basta kasama ko lang silang tatlo.
Kaya gagawa ako ng paraan para sumaya siya ulit.
James Kov POV
" Baby, andito na si daddy " sabi ko sa sanggol na buhat ko ngayon.
Iyak kasi ng iyak hindi ko maintindihan kong bakit.
Siguro ay hinahanap niya ang mama niya para dumede.
" Baby Cream iyak ikaw "
Rinig kong sabi ng batang si Verno kasama nito ang kambal niyang si Vaino at kuya niyang si Thycko tsaka anak ni Sebastian na anak rin ni Knight na si Otep.
BINABASA MO ANG
The Substitute Husband
Ficção GeralDahil nga sa mahal na mahal niya ang kambal ay nagpanggap siya bilang ITO sa babaeng mahal NITO. Ngunit wrong desisyon yata siya dahil sa pagpapanggap niya ay makikilala niya ang babaeng babago ng buhay niya si Assandra De Franco ang babaeng mahal n...
