Chapter 42

1K 29 2
                                    

JAMES KOV POV

Nakatingin lang ako sa dalawang batang nasa tabi ko na mahimbing natutulog. Kay saya pagmasdan ang dalawa na nagsisimula palang magkamuwang sa mundo.

"Baka matunaw na ang dalawa niyan sa kakatitig mo." Sabi ni Sandra habang binabalatan ang hawak na prutas.

Hindi niya ako masisi kong ganito ko titigan ang dalawang anak namin dahil sa ang cute nila.

Kong wala lang akong pilay sa braso at sugat baka nayakap ko na silang dalawa at hindi ko na binitiwan.

"Alam mo ba nong nanganak ako pinapanalangin ko na sana nasa tabi kita ng mga oras na yon. Lalo na nong bigyan na sila ng pangalan doon ako nahirapan." Sabi niya pa.

Hinawakan ko ang kamay niya para iparamdamdam na andito na ako at handa akong ipaglaban sila ng mga anak namin.

"Takot na takot ako ng araw na yon. Hindi ko alam kong saan ako kukuha ng lakas " sabi niya na medyo naluluha.

Lumapit siya saakin at niyakap ako ng mahigpit na akala mo ay wala ng bukas.

Ang yakap na ayaw niya na ako pakawalan na namiss namin ang isa't isa.

"Wag mo na uulitin na mawalay saming tatlo dahil hindi ko na alam ang gagawin pagnawala kapa sakin." Sabi niya ulit tska kumawala sakin at sabay ako hinalikan sa labi ko.

Ang araw nato pinapangako ko na hindi ko na sila papakawalan pa.

TREWER CRAE POV

" tito crae bat hindi ka sasama saamin? " tanong ng batang si Vernonica " Verno"

"Kasi mangchichix si tito bulol" sagot naman ng kambal nito. Si Vaino

"Ikaw ba si tito Crae? " pagmamasungit na tanong ni Verno sa kuya kambal niya.

Tinignan ko lang silang dalawa pero hindi natinag ang away na magsisimula naman.

Anak sila ni Theron, parang ako at ang ama nila ang pyg nila ngayon hindi nagkakasundo sa mga bagay bagay.

"Dada oh inaaway naman ako ni kuya." Sumbong ng batang babae sa ama.

Hindi yata nito narinig dahil hindi manlang nito sinaway ang dalawa.

Nasa kwarto kasi ito kausap ang ina ng mga bata kaya ako mo na nagbabantay.

"Tumahimik nga kayo ang ingay niyo." Sabat ko sa dalawa para tumahimik.

Bago pa man tumabi si Verno saakin ay nakita ko itong dinilaan mo na nito ang kambal.

Salbahing bata 😒

"Tito Crae sama nalang ako sayo." Sabi ng batang katabi ko na nakayakap pa sa braso ko.

Kong titignan kami ay parang magkapated  kami na naglalabing-labing.

"Hindi pwedi Verno magagalit naman ang dada mo saakin." Sabi ko sa kanya.

"Pero tito ... " hindi ko na siya pinatapos ng sasabihin niya dahil nagsalita na agad ako.

"Next time sasama kita wag lang ngayon " sabi ko.

Halatang nalungkot ang bata kaya niyakap ko ito at kinurot ang matangos nitong ilong.

"Diba pupunta kayo kay tito james mo? Ayaw mo yun makikita mo sila baby Ice at bay Cream." Sabi ko pa.

Bigla siya sumigla at " talaga tito? Yahieee " sabi niya na akala mo nanalo sa lotto.

The Substitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon