Chapter 51

613 14 0
                                    

Nakatingin lamang ang batang lalaki sa kanyang ina habang mahimbing itong nakahiga.

Pinagmamasdan niya ito sabay hawak ang kamay ng ina gusto niya umiyak ngunit may kong anong pumipigil sa kanya.

Nagagalit siya sa lahat dahil parang natutuwa pa mga ito sa kalagayan ng kanyang ina.

Iniisip niya minsan kong bakit pa napili pa ang kanyang ina sa ganito na para sa kanya ito pinakamabuting nilalang nakilala niya.

Galit sa ang nararamdaman niya ngayon na gusto niya gumanti ngunit hindi alam saan magsisimula.

Dagdagan pa ngayon na nakaharap niya na mismo ang taong nag-iwan sa kanila ng kanyang ina.

Gusto niya ito sumbatan at saktan ngunit alang alang sa kanyang ina hindi niya ito magawa.

Alam niya kasi sa bawat luhang na iluha ng kanyang ina nangangahulugan lamang na mahal na mahal nito ang kanyang ama.

Gusto niya man ito patawarin ngunit hindi pa siguro ngayon dahil sa nangyari sa kanyang ina.

Hinalikan niya ito sa noo at hinigod ang buhok nito.

" Ina pangako pagbalik mo magiging masaya tayong pamilya kasama si ama. " tanging sabi nito.

Aaminin niya man ay naiingit siya sa ibang bata dahil sa may mga ama ito hindi tulad niya na lumaki sa edad niya na hindi man lang nakasama ang ama.

Simula pagkabata ay pinapangarap niya maging isang masayang pamilya tulad ng iba ngunit nahihiya siya sa kanyang ina.

Ayaw niya ito malaman kong saan ito at kahit litrato ay wala man siya buti nalang ay andiyan ang tita zion niya na lagi kinikwento tungkol sa ama niya.

Pero ng malaman ito ng ina niya doon ito naputol dahil lagi sinasabi ng ina na hindi sila importante dito.

Lumaki siya na ganito ang paniniwala tungkol sa kanyang ama.

" alam mo nakita ko si ama gusto ko siya kausapin ngunit natatakot ako ina. " sabi ng batang si Chugoo

" Baka kasi itakwil niya ako at isa pa ina baka hindi niya ako tanggap. " dagdag pa niya.

Napayuko siya sa kanyang narinig mula sa sarili.

Totoo yun paano kong hindi totoo pinapakita nito sa kanya?

Paano kong mabait lang ito dahil sa kalagayan ng ina niya?

Gusto niya maniwala sa ama niya ngunit hindi niya masisi ang sarili dahil kong talagang mahal sila nito bat sila iniwan nito?

" Hindi iyon magagawa ng iyong ama. " sabi ng babae mula sa likod niya.

" Mahal na mahal ka ng iyong ama ngunit para sa kapakanan mo kaya nagawa niya siguro ang hindi dapat. " dagdag pa ng babae.

Napaisip siya sa mga sinabi nito pero hindi yun rason para maniwala na siya.

Tumayo siya at humarap sa tita niya Zion at sinabing.

" Gusto ko siya makausap " sabi niya.

Lumakad ito palabas ng silid ng kanyang ina.

Nagtungo siya sa labas ng mansion at doon sa harden nagpahangin.

Sa sikat ng araw ay himalang hindi siya nasusunog.

Mula sa malayo tinitignan niya ang ibang batang naglalaro.

Nais niya sumali ngunit natatakot siya dahil sa nangyari kanina.

" Bakit nag-iisa ka? " rinig niyang sabi ng boses babae.

The Substitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon