Chapter 48

764 19 0
                                    

Butler Cale POV

" Senyorito kailangan niyo po kumain " sabi ko sa batang lalaki na nakaupo sa harap ng paghainan.

Halatang wala itong ganang kumain dahil sa hindi pa bumabalik ang kanyang ina.

" Sabihin mo yan ulit pagbumalik na si ina " sagot niya saakin habang nilalaro ang hawak na kutsilyo.

" Pero senyorito .. " hindi ko natapos ang sasabihin ng ibato niya saakin ang kutsilyo buti nalang ay nakailag ako.

" Ang sabi ko sabihin mo yan pagbumalik na si ina " sigaw niya bago humarap saakin.

Kitang kita sa mga mata nito ang galit dahil sa namumula niyang mga mata at nag iiba na ang kanyang wangis.

" Masusunod senyorito " sabi ko sabay yuko sa kanya at lumakad paakis sa harap niya.

Gusto ko man sabihin sa kanya ang nangyari sa kanyang ina pero nangayo akong hindi ko ipapaalam ito sa kanya.

Dahil kapag natuntun niya ang kanyang ina ay baka magkita sila ng kanyang ama.

Pero napakaselfish ko naman kong ang katotohanan ay ipagkait ko pa sa bata.

Simula maliit palang ay ako na tumayong parang ama sa kanya kahit minsan ay katigasan ang kanyang ulo at hindi nakikinig saakin.

Nauunawaan ko dahil kulang siya sa aruga ng ama pero hindi naman kailangan na hindi niya malaman ang totoo.

Narinig kong sumigaw ang isa sa mga utusan kaya agad ako bumalik sa silid kong asan si senyorito.

Pagdating ko ay agad lumapit saakin ang katulong at sabay namin tinignan kong saan nakaupo ang prinsipe kanina.

" Tumakas naman siya " sabi ng babae.

Agad ko naman tinulak ang babae tsaka inutusan ang lahat na hanapin siya.

Jusko wag naman sana wag niyo hayaang may mangyari sa mahal na prinsipe.

Theron Wyatt POV

Mula sa kinauupoan ko ay nakikita ko ang mga batang masayang naglalaro.

Si Thycko lang yata ang kj sa kanilang apat dahil hindi ito nakikisali sa tatlo.

Mas gusto pa nito magbasa buong araw kaysa magtakbuhan tulad ng tatlo.

" Mahal " rinig kong tawag ni Theo sakin kaya agad ko siya binigyan ng matamis na ngiti.

" Tignan mo sila kay sarap pagmasdan ang mga bata " sabi ko.

Natawa siya tsaka niya ako hinalikan sa labi sabay ngiti.

Sa mga nangyari ibang theo na ang nakikita ko matapang at may paninindigan.

Kaya mahal ko ang babaeng ito kahit minsan ang wild niya.

" Paaaapaaaaaa " rinig naming sigaw ni Verno kaya agad kami napatingin sa kanila.

" Dadaaaa" sigaw naman ni Otep kaya agad na ako napatakbo palapit sa kanila.

Nakuha nila ang pansin ng iba kaya agad ito napalapit saamin.

Pagdating ko ay nakita ko ang batang lalaki nakahiga ito sa damuhan.

Subrang puti nito my pulang labi habang nakasuot ng itim na parang pang prinsipe.

Agad ko naman ito binuhat at dinala sa loob ng mansyon at pinahiga sa may couch sa may sala.

The Substitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon