Chapter 24

1.7K 38 0
                                    

James kov POV
...
Pupunta kami sa bahay nila mama at papa. Naisipan namin na mas mabuti pa na paminsan minsan don si Sandra para may kasama.

Hirap na baka mapaanak ng mag-isa ang dragon. 8 months na kasi tiyan niya at hindi katagalan ay malapit na siya manganak..

Nakita ko siya habang nakaharap sa salamin suot ang Long dress niya na bulaklakin.Kahiligan niya yon suotin mga ganun..

Bagay naman sa kanya at isa pa bagay na bagay talaga ito sa buntis na tulad niya..

" baby sa tingin mo pag nakaanak na ako uuwi sila mama at papa dito?" Tanong niya saakin..

Huh?? Eh hindi ko nga alam asan mga magulang niya..

Tumingin ako sa kanya at ngumiti " syempre naman! Sino bang magulang hindi uuwi kung dalawa na agad apo nila" sabi ko sabay halik sa buhok niya.

" pero baby! Matagal ng hindi sila nagpaparamda." Sabi niya sabay harap saakin..

Sa totoo lang hindi ko rin naisip yon. Matagal na rin magkasama kami ni Sandra pero kahit kamag-anak nito hindi ko pa nakita..

Tanging si Tiffany Na kaibigan niya lang kilala ko at nakapunta dito..

" baka busy! Look! Ok lang baby andito naman sila mama atsaka hindi ko naman pinapadali na magpakilala sila saakin." Sabi ko sabay hayap sa baywang niya " importanti andito kayong tatlo saakin.." Sabi ko sabay himas sa malaki niyang tiyan..

" oh! Ang sweet talaga ng baby damulag ko." Sabi niya tsaka ako hinalikan sa labi ko..

" sus! Sinabi mo pa. Sige na magready kana a-alis na tayo hintayin kita sa labas." Sabi ko sabay lalabas na sana ng Kwarto ng bigla siya nagsalita " i love you Ivan " at ngumiti.

Ngumiti ako sa kanya bilang ganti at lumabas..

Kahit kailan hindi ko mababago sa puso niya na ako si james! Ang kambal ng lalaking mahal niya at akala niyang ako..si Ivan!!

Masakit sa araw-araw na lagi Ivan tawag niya saakin.

Mahirap na bawat kasalubong namin tinatama niyang ako si Ivan at hindi kong sinong james..

Masakit??

Oo. Subra dahil hindi ako matanggap at minahal lang niya ako sa katauhan ng kambal ko.

Minsan nagsisi ako kong bakit pumasok ako sa sitwasyon nato.

Kung pwedi ko lang mabalik lahat at mabago ang nangyari ay gagawin ko..

Pero paano? Sa pagsasama namin naging ok lahat.

Naging masaya ako na parang kami lang sa mundo at walang pwedi magbago o magsira doon.

Pero nagising ako sa katotohanang minahal ko siya ng totoo pero minahal niya ako bilang ang Kambal ko..

Haist.. Ngayon na mahal ko na siya bakit pa ako gagawa ng makakasira saamin.

Habang buhay nalang yata ako magpapanggap ng ganito..

Habang buhay ako mabubuhay sa kasinungalingang ako si Ivan para sa kanya..

Serie Maghendara Lazaro POV
...
Tumawag kagabi si James at sinabing pupunta sila ni sandra dito.

Hindi naman ako maka hindi syempre parang anak ko narin si Sandra at isa pa pinagbubuntis niya anak nila ni james, na si james talaga totoong ama..

Minsan natutukso na ako sabihin ang totoo sa dalawa pero parang may bumabara kapag sasabihin ko na.

Yong parang may humahadlang sa katotoohanan ng lahat..

" andito naman ang mag asawa mamaya.."Ngiting sabi ni fancisco..

Umupo ito sa tabi ko tinignan niya ako. Parang pinag aaralan ang mukha ko..

" bakit?" Tanong ko.

Ngumiti lang siya at " napakaganda mo Serie." Sabi niya..

Asus nangbola ang Playboy..

" tsee! Tumigil ka francisco. Ang Ta-tanda na natin para dito huh.." Sabi ko..

Tumawa lang siya na parang walang bukas..

Tinignan ko siya ng masama at tumigil naman siya sa pagtawa..

" paano kung sundan natin sila james at I..."Hindi ko pinatapos sasabihin niya dahil alam ko na sasabihin niya..

" hoy! Francisco pinapaalala ko lang nasa 40 na tayo huh.. Baka naman gusto mo matapon sa ilog pasig.." Sabi ko sa kanya..

" ito naman hindi mabiro! Gaya ng dati ikaw parin yong babaeng minahal at pinakasalan ko. Sapat na yon saakin mahal" sabi niya at yumakap saakin..

" tigilan moko. Nako pag ako talaga.." Sabi ko..

Tumawa siya at sumiksik sa leeg ko " i love you mahal!" Sabi niya..

Niyakap ko pa siya lalo at " i love you too mahal" sabi ko..

The Substitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon