Chapter 30

1.5K 34 0
                                    

James kov POV
...
Ilang Linggo narin nong umalis ako sa bahay ni Sandra
Pero yong sakit ay sariwa parin sakin
Yong Mga oras na gusto ko siya mayakap at sabihin kong gaano ko siya ka mahal
Pero aasa pa ba ako? Kong siya mismo ang ay ayaw na saakin.

" Nak!" Rinig kong tawag ni Mama saakin.

Hindi ko nagawa siya tignan dahil sa nahihiya ako sa kanya dahil pati sila ni papa ay nadamay ko.

" ok kalang ba? Kanina kapa tulala diyan." Sabi niya.

Ngumiti ako ng pilit at hinarap siya.

" ma! Sorry" sabi ko sabay yuko sa harap niya.

" shhhh! Ok lang. Alam mo bang proud kami ng papa mo sayo kasi pinanindigan mo yong dapat." Sabi niya.

Ayan naman si mama!

" alam kong nasasaktan ka. Pero mas nasasaktan siya lalo na nawala ka sa tabi niya." Sabi pa ni mama.

Wala akong nagawa kundi makinig sa kanya pero bakit parang umiiyak siya?

Tinignan ko si mama tsaka ko nakita na umiiyak nga siya. Hala ano naman nagawa ko?

" maaa! " sabi ko sabay yakap sa kanya.

"Dati ko pa sana ito sinabi sayo. Dapat sinabi na namin ito sayo. Para hindi kana nasasaktan ng ganito." Sabi niya.

Ano pinagsasabi niya? Anong sasabihin niya?

Tumingin siya saakin sabay hinawakan dalawa kong kamay at ngumiti saakin.

" Ikaw! Ikaw ang ama ng pinagbububntis ni Sandra." Sabi niya.

Paki ulit nga?

Hindi ko naiintindihan? Pero paano?

" Sorry kong hindi namin sinabi agad. Sana hindi ka nasasaktan ng ganito. Sorry nak! Sorry talaga." Sabi niya sabay yakap ulit saakin.

" hindi ko iintindihan. Ano po ba?" Tanong ko.

" ikaw! Ikaw ang ama ng binubuntis ni Sandra. Hindi si Ivan." Sabi ni mama..

So Ako yung naloko? Ako pinaglihiman? God paano?

"Siya yong babaeng nakilala mo sa bar 2 yrs ago." Sabi ni mama.

God! Parang tumigil ang mundo ko ng mapagtanto ko na ang lahat.

"Puntahan mo na siya" sabi ni mama.

Pero paano? Baka paalisin niya naman ako.

" wala na akong mukhang haharap sa kanya ma" sabi ko.

Totoo yun dahil nagawa kong magpanggap sa kanya tapos paano kong sabihin ko pa tong nalaman ko?

" mahal mo na ba siya" tanong ni mama.

Kong alam mo lang ma kung gaano ko siya kamahal.

"Subra ma" sagot ko.

"Mahal mo pala bat hindi mo puntahan at sabihin mo yung totoo" sabi ni mama.

Kong ganun sana kadali pero ang hirap.

" sige na! Hinihintay ka niya" sabi ni mama pangita pa.

Paano kaya alam ni mama?

"Go" utos ni mama.

Wala akong nagawa kundi sundin siya. Wala na akong pakialam kong papaalisin niya ulit ako basta na sabi ko sa kanya ang totoo. Hintayin mo ko baby pupuntahan kita.

Nagmadali akong sumakay sa kotse ko tsaka inistart ang engine nito.

Assandra POV
...
Sa bawat pagdoor bell at pagtunog ng telepono ko ang tanging hiling ko na si James ang makita at marinig ko.

Ngunit walang james nanagpapakita saakin
Yes! I miss him so much
Sa pagsasama namin aaminin kong nahulog na ako sa kanya at hindi ko kaya na wala siya sa tabi ko.

"Babies kamusta na kaya ang papa niyo? Hindi niya tayo namimiss" kausap ko sa tiyan kong siam na buwan na.

Kabuwanan ko na at gusto ko paglabas ng mga anak ko yong papa nila yong kasama ko pero malabo na yata mangyari iyon.

Tinignan ko ang telepono ko dahil sa bigla ito tumunog pagtingin ko ay si james wala nakong oras na sinayang kundi sinagot ko agad

"Hello" tanging rinig kong salita

Nakakamiss ang boses niya.

"Hi baby"Sabi ko

Umiyak na ako kasi miss ko talaga siya kahit niloko niya ako sa pagpapanggap niya bilang si ivan.

" sorry sa lahat sana mapatawad mo ako" sabi ko sa kanya.

" wag ka magsorry ako dapat yun, sorry sa lahat dahil nagsinungaling ako sayo" sabi niya.

Aww!

"Baby may sasabihin ako sayo sana wag mo ko paalisin ulit huh" sabi niya.

Tinawag niya akong baby.

" promise" sabi ko

"Ako yong lalaki sa bar 2 yrs ago" sabi niya.

"Sorry baby sorry hinanap kita kahit hindi nako dun pumupunta pero sabi nila umalis kana sorry baby sorry" sabi niya ulit.

Umiyak ako lalo sa sinabi niya

" alam ko" sabi ko

"Alam mo? But how?" Tanong niya

Paano nga ba?

"Dahil sa balat mo sa likod" sabi ko

"Yong gabing may mangyari saatin nakita ko ang balat mo sa likod" sabi ko ulit

"Oo" sabi niya

"Magkaiba kayo ni Ivan, ikaw yong palangita sa inyong dalawa, ikaw yong malakas tumawa, ikaw yong tumawag saakin ng babae at ikaw yong dahilan bat gusto ko mabuhay" sabi ko sabay iyak

"Please baby bumalik kana saakin" sabi ko

Narinig kong umiyak siya bwesit na lalaki. Iyakin e

"Opo pupunta na po" sabi niya

"Hihintayin kita baby" sabi ko

"I love you! Mahal na mahal ko kayo ng mga anak natin" sabi niya

Kasabay nun ay ang malakas na Tunog na aking narinig sa kabilang linya.

"Baby hello james ano nangyari? James" tanong ko ngunit walang sumasagot

James kov POV
...
"I love you! Mahal na mahal ko kayo ng mga anak natin" sabi ko

Sabay nun ang pagharang ng sasakyan sa Dadaanan ko dahil sa pagkabigla ay nawalan ako ng preno at yun dahilan ng pagbunggo ko

Hindi ko maintindihan pero ang init ng pakiramdam ko ang sakit ng Ulo ko at nakita ko ang mga taong kinakatok ang Sasakyan ko para tulongan ako

Pero hindi ko magawa igalaw ang katawan ko nahihirapan na rin ako huminga

"Sandra" saad ko

Gusto ko pa puntahan si sadra at makita ang mga anak ko paglabas nila ngunit kong ito ang tadhana ko hindi ko tatanggapin

"Sadra" saad ko ulit

Unting unti na ako nawawalan ng ulirat parang gusto ko na pumikit pero parang kong may ano na nagsasabi na wag at dapat ko lumaban

"Sadra" tawag ko ulit sa pangalan niya

Naramdaman ko na binubuhat ako palabas ng taong kanina ay sinira ang bintana ng sasakyan ko para mapalabas ako

Sino sila? Bakit nakaitim sila lahat? At sino tinatawagan ng isang to?

Saan nila ako dadalhin? Ano gagawin nila saakin?

"Sadra" tawag ko ulit pero walang sandra nagpakita saakin bago ako nakapikit

A.N: thank you sa lahat ng sumopurta ng story ko. MagA-Update na po ako. Pa vote po para sa next Chapter Thank you po😘

The Substitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon