TWO DAYS PASSED...
Im baccccckk!! Kamusta na kayo ??? Ang ganda ng mood ko ngayon!! Nga pala kauuwi ko lang galing sa Bulacan. Buong weekend kaming nandun ni Nicholas.
Tuwang-tuwa yung tita nya sa akin haha! Sana daw magtagal kami ni Nicholas. XD
Ang alam kasi ni tita Mary girlfriend ako ni Nicholas. Eh nanliligaw palang kaya sya. Oo tama kayo ng pagkakabasa. Ganito kasi nangyari.
*FLASHBACK*
"okay lang ba kung liligawan kita?" omg! Ano isasagot ko. Papayag ba ako? Paano ang mga Mommy namin? Paano ang image nya sa school. Baka madaming magalit sa akin pag nalaman nila na nililigawan ako ni Nicholas?
Should i say yes????
"it's okay kung matatagalan ka sa pagdedecide. I can wait." Nicholas said.
Tinignan ko sya. Ang lungkot nya. Papayag na kasi ako eh nagsalita pa sya.
"Yes Nicholas." sabi ko sa kanya.
Lumiwanag ang itsura nya at bahagyang ngumiti.
"Yes?? As in Tayo na??" tanong nya.
Nakoo po!! Hindi nya ko naintindihan.
"No, no, i mean Yes, payag ako na ligawan mo ko." sagot ko sa kanya.
Ngumiti sya sakin.
"akala ko tayo na agad eh." tapos natawa sya.
Ang kapal ha!! Anong akala nya? ETG (Easy To Get) ako?? Hmf! Kahit ganto ako, hard to get din ako no!!
"pero Nicholas, kaylangan mapapayag mo muna sila mommy bago mo ako ligawan." sabi ko.
"sure! Basta liligawan kita. Iloveyou Ynnah. Naiinis nga ako sa sarili ko eh." wika nya.
Nagtaka naman ako.
"bakit?"
Sumandal sya sa sofa at nilagay ang dalawang kamay nya sa likod ng ulo nya.
"eh kasi of all beautiful girls na magugustuhan ko ikaw pa. I mean, ang dming may gusto sa akin, Sexy pa at napakagaganda. Bakit ikaw ang nagustuhan ko.?"
Sumimangot ako sa sinabi nya.
"bakit sakin mo tinatanong yan?! Dyan ka sa puso mo magtano----" he cut me off.
"but i love you. Just the weigh you are. Anong magagawa nila dun??"
Tapos tumingin sya sakin at ngumiti tapos tinaas baba nya yung kilay nya.
Waaahhh!! Nakakakilig sya!! Ayoko ipahalata pero!!! Bahala na! Kinikilig talaga ako!! Hahah! Bahagya akong napangiti pero deep inside, pumalakpak ako sa tuwa at galak haha! Pagbigyan! Ngayon lang to.. :D
"would you mind if i hug you for a minute?? Parecharge lang." tanong nya sabay ngiti.
Shocks!!! Ang gwapoooo!! Pag ganto lagi sya sasagutin ko na sya!!! Haha joke! Hindi na ko magpapakipot ha?!!
"no, it's okay you can hug me anytime."
Tapos ngumiti sya at niyakap ako ng mahigpit na para bang ang tagal namin hindi nagkita.
Napakasaya ko talaga ngayon. Hindi ko mapigilan mapangiti dahil sa mga ginagawa at sinasabi nya. Sobrang kinikilig talaga ako. Kung nakakamatay ang kilig baka kanina pa ako patay.
BINABASA MO ANG
Youre Beautiful You Should know it! (Ongoing Series)
Genç KurguPaano kung ang isang mataba na tulad ni Ynnah ang magkaroon ng boyfriend na gwapo, hot at kinakikiligan ng mga magagandang babae?? Ngunit paano kung hindi naman pala seryoso sa kanya ang boyfriend nya at pinagtripan lang sya? Gaganti ba sya o kakali...