Chapter 9

23.4K 604 56
                                    

~INLOVE~




LATE na akong nagising!


Lagot ako, may pasok pa naman ako sa school ngayon!


Dali-dali akong kumilos para mag-prepare sa pagpasok at ni hindi na nga ako nakakain. Kumuha nalang ako ng chuckie chocolate drink sa refrigerator at isang chocolate bar na pwede kong kainin mamaya sa byahe. Pagkatapos kung magbihis at magsuklay ay agad kong kinuha sa kung saan ang bag na ginagamit ko sa school at umalis ng bahay habang sinusuot ko pa ang eyeglasses ko . O, ka-timangan nanaman!


Buti na lang at may nasakyan akong taxi. Gosh! Pagkatapos kong sabihin kay manong driver kong saan ako ihahatid ay agad kong kinuha ang cellphone ko. Tulad ng sabi ko kasi kagabi sa sarili ko, idedelete ko ang picture na inupload ko kagabi. Eeeeehhhhhh! Sobrang landi ko, ngayon ko lang napagtanto ng mabasa ang mga comments sa picture ni Altheo! Piniem din ako sa facebook ni Rylai at tinatanong kung sino yung inupload kong picture. Hahaha. Di ko napigilang matawa, pero sorry kelangan ko ng idelete yung picture dahil baka mas lalo lang mabanas saakin yung lalakeng yun pag nalaman niyang may stolen shot siya.


At dahil kamalas malasang traffic kahit Tuesday, ay sinimulan ko ng kumain sa loob ng taxi habang patuloy sa pagbbrowse sa FB. Hmm, matignan nga yung profile ni "sir" Nash. Sinearch ko ang pangalan niya at agad clinick iyon. Tumambad saakin ang sandamakmak na tagged photos sakanya ng mga kaibigan niya siguro. Puro parang nasa party siya eh, meron ding tagged pictures mula sa in-attend-an naming party. Grabe, puro mayayaman at bigating personalidad ang mga kasama niya. Siguro kung hindi ako naghirap, baka friend ko itong boss ko sa business world. May mga iilang status din siyang pinost. Yung pinakabago niyang status ay six hours ago:



Drunk but im still into you.


Huh? Naglasing siya kagabi? Anong 'im still into you?', hmm. Ano yun, babae? Past relationship? Ex? Hala. Kawawa naman pala yung boss ko may dinadamdam, pero pag nasa work parang wala lang? Siguro kaya ganun siya at mahilig sa babae kasi gusto niyang makalimot?


"Miss, dito na kita ibababa, bawal kasi umikot dun sa kabila."


Nawala ako sa pag-iisip sa sinabi ni manong driver.


"Sige po." Sagot ko bago iabot ang bayad ko sakanya.


Pagkalabas ko ng taxi ay tinunton ko agad ang daan patungo sa gate ng school namin. Buti naman at wala ng mga insecure bitches na humarang saakin at lakad takbo kong tinungo ang classroom ng first period ko.


Pagbungad ko ng pinto ay agad silan nagtinginan saakin. Mabilis akong naghanap ng upuan.


"Wala pa yung instructor natin?" Tanong ko sa isa kong classmate na mukhang Jimmy Neutron ang ulo. Sa pagkakatanda ko, Jasper ang pangalan nito eh.


"Wala pa ata."


Umusal ako ng pasasalamat sa sagot niya. Buti nalang at kahit late ako ng fifteen minutes ay naunahan ko pa yung teacher namin. Sa paghahanap ko ng mauupuan ay bigla akong napakagat labi. Shit.

The Sleeping MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon