~CLASSMATE~
"Hoy, bruha! Bakit ngayon ka lang?"
Tumingala ako at nakita ko si Rylai sa veranda ng apartment ko.
"OT kasi." Sabi ko sabay tulak sa gate para makapasok.
Oo, grabe. Hindi pala nagbibiro yung Nash na 'yun ng sabihin niyang kelangan kong mag-OT dahil dumating ang sandamakmak na papeles kanina at kelangan kong mag-encode at gumawa ng powerpoint presentations. Yan tuloy, alas diyes na nakauwi.
Nang makapasok sa loob ay nakita ko rin si Hazel na nanonood ng TV sa sala at bumaba si Rylai mula sa secondfloor. May mga susi sila sa apartment ko dahil feeling nila guardians ko sila. Hehehe.
May dala na silang pagkain, which is good dahil gutom na ako dahil tinanggihan ko ang alok na dinner at paghatid saakin ng "boss" ko. Hmp.
"So, boss mo talaga si Nash Gokongwei? As in P.A ka niya? Grabe, how was that?" Tanong ni Hazel pagkatapos linukin ang nginunguya.
"Hmm. Ok lang, medyo nakakaasar lang kasi...basta! Pakialamero siya."
Nagkatinginan sila Rylai at Hazel, si Rylai ang unang nagsalita.
"Anahi, gusto mo bang pumunta sa halloween party sa bahay ni Claire sa Sunday?"
Halloween party? Uso pa pala 'yun?
"Hmm. Off ko naman 'nun eh, sige ba."
"Ayan, eh di anong costume mo niyan? Papatahi tayo. Hmm, ako, si Cinderella. Ikaw Rylai?" Ani Hazel.
Hmm. Ako kaya? Sleeping Beauty?
"Eh di si Crystal Maiden. Ako pa ba? Hahaha." Sagot naman ni Rylai.
Oo nga pala, kapangalan niya kssi yung isang character sa online game na DOTA.
"How 'bout you?" Tanong ni Hazel.
Ano nga ba?
"Ah..hmm. Aurora?"
"Wag! Ano, talagang pinanindigan mo si Sleeping Beauty?" Tutol ni Rylai, tumango naman si Hazel para sang-ayunan ang huli.
"Eh, sino ako?"
"Isip ka ng iba."
"Hmm. Snow White nalang?"
"Oh, sige. Kung yan ang bet mo." Ani Hazel.
Kaya ang nangyari pagkatapos naming kumain ay nagkwentuhan pa kami dahil dito na sila matutulog which is pabor saakin dahil mas gusto ko din paminsan minsan na may kasama.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising dahil may pasok ako. Iniwan ko na yung dalawa dahil ang ang sarap pa ng tulog nila. Ini-enjoy talaga ang sembreak. Ako, di ko alam kung makakapag-enroll kasi sa katapusan pa ang sahod ko. Pwede kayang mag-advance?
"Goodmorning sir." Bati ko kay Nash na nakatingin sa labas ng building.
Buti nga nakarating akong buhay sa office niya, kanina pa ako pinagtitinginan ng mga empleyado, yung iba umiirap pa. Like seriously, what's wrong with them?
Humarap siya saakin. "Morning." Walang ganang sabi nito at tumingin lang uli sa labas.
Ah? Anong meron, bat wala yata sa mood ang boss kong pakialamero?
Naupo na ako ng table ko at binuksan ang PC para mag-encode uli dahil hindi ko natapos yung trabaho ko kagabi pero wala akong makitang papeles sa mga drawer ng mesa ko.
"Ah, sir asan na yung mga papers?"
Binalingan niya ako at naglakad patungo sa table niya.
BINABASA MO ANG
The Sleeping Maldita
ChickLitYou are señorita Anahi Anabella Virata. You woke up after eight years of being in a coma, only to find out that you're now an eighteen years old pauper! Pero isang tao ang gusto mong hunting-in. Ang batang lalakeng nagnakaw ng first kiss mo nung wal...