~SICK~
Sinimangutan ko siya bago maglakad papunta sa back stage. Paano ba mang-akit sa pamamagitan lang ng paglalakad?
"O, tapos ka na bang i-coach?" Tanong ni chinitang si Mimi. Nagkkwentuhan lang sila doon.
Ngumiti ako ng alanganin. "Uh, hindi pa. Pinapa-train ako kay Winston."
Nakita ko ang amused na reaction nila, sumipol pa si Zamir.
"Hard to please si Winston, goodluck girl." Nakangiting saad ng isa pang babae.
Huminga ako ng malalim ng makita ko ang sarili ko sa salamin. Tinanggal ko ang pagkaka-ponytail ng buhok ko. Hindi ko pinasok ang trabahong ito para laitin lang. Ginulo ko ng bahagya ang buhok ko bago naglakad palabas ng backstage at paakyat ng stage.
Nakita ko agad si Winston na nakaupo sa monoblock chair katapat ng stage. Tinitigan ko siya habang sinisimulan ang paglalakad. I slightly parted my lips at isinabay sa paglalakad ang aking balakang. Nang makarating ako sa gitna ay itinagilid ko ng bahagya ang ulo ko at tumigil ng ilang segundo dun. Nang makuntento ako ay tumalikod ako bago siya nilingon ng nakataas ang kilay at nakangisi ng konti. Naglakad akong nakatalikod sakanya bago umikot paharap ng nasa gitna na ako ng stage, sinadya kong kagatin ang labi ko bago mabilis na tumalikod uli sakanya at diretsong naglakad patungo sa backstage. Nagpakawala ako ng buntong hininga pagkatapos ko. Shit. Ano ba yung ginawa ko? Pero ng magpalakpakan ang mga tao sa backstage ay nagtaka ako.
"That was hot!" Sabi ng isang babae na halatang may lahing amerikano dahil sa grey niyang mata.
Huh? Saan nila napanood? Pero ng makita ko ang isang flat screen TV na nasa taas ay nakita ko ang kabuuan ng stage dun. Minomonitor pala ako habang naglalakad? Nakita kong umakyat sa stage si Winston at naglakad papunta dito.
"Good job Anahi." Bungad ni Winston, ngumiti ako sakanya pero hindi niya sinalubong ang tingin ko at nilampasan pa ako. "Carlo, where's my beer?" Tanong nya sa kasamahan.
May nag-abot sakanya ng beer na nasa lata. Binuksan niya iyon at diretsong nilagok. Nawala ang atensiyon ko sakanya ng may magtanong saakin.
"Anahi, anong surname mo?" Tanong ni Mimi.
"Virata." Sagot ko. Itinali ko na ulit ang buhok ko.
"Virata?" Biglang napaharap saakin si Winston.
Tumango ako kahit lahat kami ay nagtaka sa bigla niyang pagtanong.
"Bakit Winston?" Mimi asked him.
"Nevermind."Agad niyang bawi.
Nagtataka man ako ay hindi ko nalang din pinansin. Nakita ko siyang nagdial sa cellphone niya at may tinatawagan.
BINABASA MO ANG
The Sleeping Maldita
ChickLitYou are señorita Anahi Anabella Virata. You woke up after eight years of being in a coma, only to find out that you're now an eighteen years old pauper! Pero isang tao ang gusto mong hunting-in. Ang batang lalakeng nagnakaw ng first kiss mo nung wal...