Chapter 42

18.5K 434 48
                                    

~UNREAL~



Nilibang ko ang sarili. Hindi ako nagpakita sa Gokongwei Corporation at nag-gala sa Puerto Galera kasama si Rylai at Hazel na nakabalik na sa Pilipinas. So far maganda naman ang takbo ng operations ng kompaniya sa pagpapalaganap sa market ng brand namin kaya sa emails nalang ako umaasa kong may update man.


Isang buwan nalang ang gugugulin ko dito at makakabalik na ako ng Germany pero wala parin akong balita sa pina-hire naming mga detectives ni Altheo sa tulong ni Lucky Blue kong sino ang impostorang iyon. Ayokong umalis ng walang laban. Kahit engaged na ang dalawa ay sisiguradduhin kong lalabas ang katotohanan bago ako umalis, or else I'll have to do it the bloody way. 


"Dapat talaga umeksena ka nalang sa engagement party nila eh!" Ani Rylai. Pinag-uusapan namin ang nangyaring engagement party ni Nash sa impostorang iyon.  


Inimbitahan ako ni Nash pero ng gabing iyon ay naglasing lang ako at nag party sa Prima Karma. In short, di ako sumipot. Nabalitaan ko ding tutol parin si Mrs. Gokongwei sa plano ng anak pero sadyang matigas ang ulo ni Nash at itinuloy parrin.  


"So? Saan tumitira si Faker? Don't tell me sa condo ni Nash?" Dagdag ni Rylai. 


Hindi ko rin alam kaya nanatili akong tahimik. Ayokong alamin ang nangyayri sa dalawa at baka masaktan lang ako. Yun pa nga lang sa alumni homecoming ay para akong ginagantsilyo sa dibdib.  


"Hoy, Anahi. Sabi ko paano kung malaman ni Nash ang totoo pero inlove na siya sa impostor na iyon? May plan B ka ba?" Segunda ni Hazel. 


Nakahiga kami sa mga sunlounger sa ilalim ng malaking beach umbrella hbang tanaw ang kulay asul na dagat.  


"Kung ganun nga ang mangyari eh di tatanggapin ko nalang. Pero dapat masampal ko siya ng mga sampung beses bago umalis at mag-move on." Wala sa sariling sagot ko.  


"Hay, ang dali dali naman kasing kausapin si Nash para kumprontahin pero ikaw, you're acting all too tough pa kasi. If people could only lower their pride, things would have been easier ." Pangaral ni Rylai. 


Ngumiti ako ng malungkot pero hindi na nakipagtalo. Wala kasi ako sa mood. Ang nasa isip ko lang ngayon ay ang malaman kong sino ang babaeng iyon bago ako tuluyang bumalik ng Berlin.  


Kaya kinagabihan sa tinutuluyan naming hotel ay kinamusta ko si Altheo sa Viber. O, naglevel na ang means of communication namin dahil napilit ko siyang mag-download nun.  


Me: may lead na ba? 


Naghintay ako ng sampung minuto bago makareceive ng reply. 


Altheo: As per Lucky Blue's text this morning, parang may clue na yung mga hinire niyang agents. 


Agad naman akong naka-upo sa kinahihigaan. Humigpit ang hawak kos a cellphone at nagtipa. 

The Sleeping MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon