Chapter 7

24.3K 568 18
                                    

~HAPPY~




"OMG, boyfriend mo ba 'yun? Ang gwapooo!"


"Si Nash Gokongwei 'yun diba? diba?!"


"Shit! Ang swerte mo!"


Iyan lang naman ang ilan sa mga narinig ko sa mga estudyante after akong ihatid ng super villain pabalik sa school matapos kaming kumain sa isang restaurant. Nakakagulat na kilala na nila ako dahil lang sa magkasama kami ng kurimaw na 'yun?


"Boss ko 'yun. Hindi ko siya boyfriend!" Ilang beses kong pagpapaliwanag pero di naman nila ako pinapakinggan. Anila ay doon na din daw papunta yun. What the?


Nagtaka naman ako kasi hindi naman masyadong elite ang school na ito pero kilala parin siya. Naghahalo kasi ang may kaya at mayayaman sa school na 'to eh. Aside sa mga kinilig, meron namang mga bitter! Oo, nagkaroon ako ng haters, wengya yan!


"Feelingera, baka flavor of the month ka lang!" Isang araw ay may sumigaw sa mukha ko ng ganyan. Apat na babaeng magaganda pero parang namalirong sa pula ang mga labi.


"Yuck. Hindi yun papatol sa katulad niyan!"


Syempre, pinagsasapak ko sila! Anong akala nila, papa-api ako? Kaya nga nandito ako sa bahay ko ngayon, nag-aaral ng bagong kanta ni Taylor Swift sa violin, kasi na-suspende kami ng isang linggo! Grr. Oo! Nagkasugat sugat kasi sila sa mukha, kaya kahit apat sila parang ako yung lumabas na masama kasi ni wala akong galos, maliban sa kalmot ko sa braso.


Nang makuha ko ang tono ng chorus ng Blank Space na kanta ay nilapag ko muna ang violin at bow ko sa kama. What to do? Hindi ko naman pwedeng istorbuhin yung dalawa kong kaibigan kasi nag-aaral sila.


Nilingon ko ang wall clock sa kwarto ko at alas diyes na pala ng umaga! Tsaka ko lang napansin ang pagkalam ng sikmura ko. Ugh. Hindi pa ako nakakapag-grocery! Kaya naman, agad akong naligo at nagbihis ng black spaghetti strap at maong shorts. Mamimili ako diyan sa department store na malapit.


Pagbukas ko ng pinto ay muntik na akong mapasigaw ng makita siyang nakatayo sa tapat ko!


"Anong kailangan mo? Off ko ngayon!"


Ngumisi siya tsaka ko lang napansin na bagong shave siya at meron pala siyang earring sa left ear, kumikislap yun pag natatapatan ng araw. Naamoy ko rin ang banayad at mabango niyang pabango—hep! Stop! Bawal purihin ang kalaban!


"Eh ikaw, bakit suspended ka sa school?"


Napasinghap ako. Paano niya nalaman? Grr! Sinimangutan ko siya. "Dahil sayo! Akala nila boyfriend kita, nagkaroon ako ng haters. Napaaway ako. Tss."


Tinulak ba naman niya ako ng bahagya at pumasok sa loob ng bahay ko!


The Sleeping MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon