Chapter 13

21.6K 501 15
                                    

~IGNORE~




Nag-peace sign ako kay Altheo dahil nahuli niya akong nakatingin sakanya.


"Ang ganda 'nung story mo? M-may pinanghugutan ka ba dun?" Alanganin kong tanong. Paano kaya kung siya si Batman at hindi lang niya ako nakilala kasi dalaga na ako? Kaya siguro kaboses niya si Batman kasi siya talaga yun? LOL. Kung ano ano ng naiisip ko.


Kumunot ang noo niya na parang nag-iisip. "Ewan."


"Ewan?" Napalunok ako. Baka ayaw niyang malaman ko na siya ai Batman kaya hindi niya ako sinasagot ng maayos. "Hindi pwedeng ewan, Altheo. Y-yung story mo parang m-may pinanghugutan talaga eh. Sige na, may naalala ka ba dun? Sinong inspiration mo sa story na yun, baka maka-relate ako."


Natawa ng mahina si Altheo bago umiling at itinuon ang pansin sa nagsasalitang prof namin sa harap. Kinalabit ko siya pero iniwas niya ang kamay niya bago itapat ang hintuturo niya sa labi para sumenyas na wag akong maingay.


Hindi ko na siya kinausap habang may klase kasi sa mga sumunod sa subjects ay magkalayo na ang upuan namin. Hanggang sa uwian ay inabangan ko talaga siya.


"Uy, hintay." Sabi ko habang naglalakad sa gilid niya. Papunta na siya sa gate palabas ng school.


Huminto siya at nilingon ako, "Bakit nanaman?"


"Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko kanina eh." Pumwesto ako sa harapan niya.


Nangunot ang noo niya, tumingin siya sa paligid namin bago niya ako hilain palabas. Nagpatianod nalang ako. Paglabas namin ng gate ay kumanan kami at dirediretso sa isang open playground. May mga bata pang naglalaro dun. Binitawan niya ang kamay ko at umupo sa upuang kung titignan mo ay mukhang kahoy ang desenyo pero gawa talaga sa semento.


"Bakit mo ba ako tinatanong tungkol dun?" Masungit niyang tanong habang inilalabas ang papel sa handbag niya na kasing laki lang siguro ng tablet.


Umupo ako sa gilid niya. Inabot niya yung papel saakin, kinuha ko yun. Andun yung story niya.


"Anong hugot mo dito?" Tanong ko. Hindi ko talaga siya tatantanan hanggang sa hindi ko malaman.


Natawa siya. "Hugot talaga?"


Napatingin din siya sa papel na hawak ko na ngayon. "Wala naman eh. Sa panaginip ko lang yan."


"Huh? Panaginip? Anong panaginip?" Ano yun nagkataon lang pala?


Hindi niya ako sinagot. Nakatingin na siya sa malayo ngayon, parang may iniisip o inaalala. Nang mangunot ang noo niya tsaka siya napailing at tumingin ulit saakin. "Yan nga yun. Kulit."


Wala talaga akong mapipiga sa Altheo na 'to. Masyadong secretive. Siya yung tipo ng taong mas marami siyang malalaman sa uhay mo kesa alam mo sa buhay niya. Matipid magsalita. Hindi pala-kwento.

The Sleeping MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon