Chapter 41

20.7K 437 51
                                    

~ODDS~



IMPOSIBLE. Kung si Tish nga yun, sino ang babaeng nagpapanggap na Anahi? 


Agad kong kinalkal ang bag ko ngunit napatigil ako ng makarinig ng mga pagsigaw sa labas. Agad kong sinara ang zipper ng bag at patakbong lumabas ng pinto. 


"Hindi ka parin nadala Anahi! Hindi ba tumatak sa isipan mong away sayo ni tita Letice para kay Nash! Shameless pussy!" Ani Tish na gulo na ang buhok.  


Dumako ang tingin ko sa babaeng kinakausap niya na magulo din ang buhok at nagusot ang damit. Ang mga empleyadong nagsilabasan dahil sa ingay ay agad ding bumalik sa kanilng opisina dahil ayaw nilang makigulo sa dalawa. 


Tumawa ng pagak si Faker, "Sorry Tish but Nash is mine and mine alone. You're just a desperate stupid bitch. I won't stoop down to your level. Haha." 


"You speak as if you have a level, commoner."  


Nadako ang tingin ng dalawang putangina saakin. Hindi ko napigilang hindi sumabat. Nakakapang-init ng ulo ang faker na 'to. Parang mas kakampihan ko na si Tish. Sobrang kapal niya. 


"Angelise.." Sambit ni Tish 


Tumaas ang kilay ni Faker at lumapit saakin. Nagtitigan kami ng halos ilang pulgada nalang ang pagitan saamin. Mas matangkad pala ako sakanya ng isang pulgada. Nakipagtagisan ako sa pagtaas ng kilay, kung may natutunan ako sa Germany ay yun ang lumaban. An eye for an eye.  


"Ako? Commoner? Hah. Kinakampihan mo ang desperadang ito? Sabagay, isa ka lang ding loser. Bumalik ka na lang ng Germany bago kita patulugin at bumalik sa hospital na pinanggalingan mo! Loser! " Aniya sabay amba ng sampal saakin pero mabilis ko iyong nailagan at pinadapo ang kanang palad ko sa peke niyang pagmumukha! 


Napagewang siya sa ginawa ko habang sapo ang mukha. "Walang hiya ka!" 


Akma itong susugod uli saakin ng harangan siya ni Tish, "Ako ang harapin mo. Walang hiya ka! Sasampalin mo pa ang kliyente nila Nash!" 


Pinanood ko lang silang magsabunutan at kalmutan. Sa loob loob ko ay nasisiyahan ako sa nangyayari. Ito, sa harap ko ang dalawang babaeng tinik sa lalamunan ay nagpapatayan para kay Nash. Teka, nasaan na pala 'yung kumag na yun? Bago ako makalingon sa likod ko para magtawag ng security ay narinig ko ang dumadagundong na boses ni Nash.  


"Tish, stop hurting Anahi!" 


Halos maitulos ako sa kinatatayuan nang lampasan ako ni Nash at awatin ang dalawang babae. Itinulak niya si Tish palayo habang hawak sa magkabilang braso si Faker. 


"Nash, sinugod na lang niya ako basta sa opisina mo. Huhu.." Biglang iyak ng gaga na humigpit naman ang kapit kay Nash. Napapikit si Nash at iniharap ang babaeng 'yun sakanya.  

The Sleeping MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon