Chapter 1

32.5K 840 60
                                    

~ BATMAN~




After being comatose for eight years, I am now slowly coping up with all the news I received from my friends and relatives.


Malaking milagro daw ang nangyari saakin sabi ng mga doktor. Actually, they didn't expect me to wake up dahil ang taong na-comatose, habang tumatagal, lumiliit din ang tyansang magising. My relatives already agreed about euthanasia, pag hindi pa rin ako nagising sa 20th birthday ko.


Nandito ako ngayon sa puntod ng mom ko. Yes. Namatay siya sa sobrang lungkot at deppression. Isang taon na ang nakalipas simula ng magising ako sa pagkakahimbing, pero masakit parin saakin ang lahat. We lose everything. I lose my mom. Kung sana ay di nalang ako nagpumilit na sumama sakanya ng araw na yun, hindi sana nangyari ito.


"I love you, mom. I miss you. " Tsaka ko pinunasan ang luhang tumulo. It hurts a lot. I still feel that im only ten years old.


Ilang sandali pa ay umalis na ako at sumakay ng taxi. Yes. Taxi because I'm now a pauper. Nalugi ang BPO company namin hanggang sa iba na ang namahala. May nakatago akong trust fund pero alam ko pag nakuha ko yun, ipambabayad ko lang ng utang kay Hazel Grace, na siyang sumagot sa hospital bills ko nung mamatay si mommy. My relatives moved to start some business venture in provinces dahil na rin sa nangyari. Nakakahiya dahil ang lahat ng kamalasan ay kasalanan ko.


Pagkababa ko sa taxi ay agad naman akong nakapasok sa apartment na tinutuluyan ko. Maliit lang ito, at tama lang para saakin.


Kung may magandang naidulot ang pagkaka-comatose ko, yun siguro ay ang pagiging matalino. Oo. Nagtake ako ng acceleration test for elementary at highschool o ALS, ay na-perfect ko ang exam. Haha. Kaya ngayon, pang matrikula na lang sa college ang pro-problemahin ko. Gusto akong tulungan ni tita Maggie pero tinanggihan ko siya. Ayoko ng makaperwisyo pa dahil alam kong sobrang laki din ng nawalang pera sakanila.


Kaya naman, I need to find a job. Kahit anong trabaho, basta pang-sosyal. Pwede, receptionist? Secretary? Basta ayoko ng haggard na work hello, pang-pangit lang yung mga ganun.


Maraming nangyari sa isang taon mula ng nagising ako. Unti-unti akong naka-recover, hanggang sa makalakad ako. Simula rin noon ay kung ano ano ng tinuro saakin nila Rylai at Hazel magmula sa pag-susuot ng bra at napkin pag may period, hanggang sa kung ano anong ka-ek-ekan na dapat ay alam ng isang eighteen years old.


Yes. I was forced to fast forward my life to catch up with my legal age. There I was, just a ten year old girl playing Barbie, the next thing I knew, i'm a teen with boobs and pubic hair.

Minsan, mahirap parin talagang mag-adjust, kaya ito, nood nood muna ng spongebob habang kumakain ng cereal sa kwarto ko.


Natigil ako sa panunuod ng mag-ring ang cellphone ko.


Rylai calling...


"Hello, Ry! Bakit?"


["Wui, asan ka? Malalaman na natin kong sino si Batman!"]

The Sleeping MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon