Chapter 48

19.7K 402 20
                                    

~GRANDFATHER~



"Come back, ok?" Bilin ni Nash bago ako sumakay sa private jet na magdadala saakin sa Germany.


Ngumiti ako at niyakap siya, "Ofcourse I will." 


Naramdaman ko nalang ang paghigpit ng yakap niya at paghalik sa bunbunan ko. Kita ko pa ang nakakalokong mga ngisi nila Hazel at Rylai kaya kumalas na ako sa pagkakayakap sakanya.


"Parang hindi na kayo magkikita ah. Thirty minutes na ang nakakaraan at heto parin kayo hindi na natapos ang pagpa-paalam." Puna ni Hazel na nangangantiyaw.


Natawa si Nash. "Mamimiss ko siya eh. Bakit ba."


"Asus!" Hirit ni Rylai.


"Sige, aakyat na ako." Sabi ko kaya hinagkan niya ako uli sa noo. "Nash, yung bilin ko ha."


Nang tumingin siya saakin ay nakita ko ang lungkot sa mata niya. Mamimiss ko rin naman siya eh pero kailangan ko talagang umalis.


"Yup, I'll take care of her. Basta pwede kitang puntahan pag miss kita ah?"


Tumango nalang ako. Nang akma akong tatalikod ay hinaklit niya ang braso ko at niyakap ako uli.


"I love you." Bulong niya. Wala pa man ay ramdam ko na ang pangungulila sa boses niya.


"I love you too."


Ilang minuto pa ang nakaraan ay lulan na ako ng jet at papunta ng Berlin. I asked Nash to take care of Anahi. Bigla akong naawa sa kalagayan niya at mabuti na rin na si Nash ang magbabantay para kumalma ito ay hindi makaapekto sa pinagbubuntis. I need to check and take care of my grandfather as well. Kung bakit kasi ay nagtratrabaho pa ito sa kompaniya at hindi nalang ipaubaya lahat sa mga anak ang pagpapatakbo nun.


Pagdating ko sa Berlin ay agad akong dumeretso sa ospital na pinagdalhan sakanya. Nasalubong ko pang palabas sa pinto si Astrid at tita Blisse.


"Angelise, mabuti naman at nakauwi ka." Ani tita Blisse sa wikang german. Agad akong niyakap at bineso ni Astrid. Halata sa mga mukha nila ang puyat.


"How's grandpa?" Tanong ko habang tinitignan ang pinto ng silid niya.


"He's stable now. Hindi pa siya nagigising but the doctor assured that he'll be ok." Sagot ni Astrid.


"Matutuwa ang lolo mo pag nakita ka niya. We'll be back, ok?" Ani tita Blisse.


"Don't worry, ok na si lolo." Segunda ni Astrid dahil tahimik lang akong tumango.


Nakahinga ako ng maluwag sa narinig. Pagpasok ko sa kwarto niya ay payapa itong natutulog. Umupo ako sa sofa na nandoon at pinagmasdan ang paligid. nasa Germany na nga pala ako pero bakit pakiramdam ko ay naiwan ang diwa ko sa Pilipinas? Agad kong kinuha sa purse ang cellphone at tinawagan si Nash. Wala pang isang minuto ay sumagot na siya agad.

The Sleeping MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon