~CONFUSION~MASARAP ang naging tulog ko kagabi kaya maaga akong nagising at hindi nagmamadaling kumilos para pumasok. Sinuot ko ang isa sa mga pinamiling dress saakin ni Nash, kulay pastel pink yun at may hanggang sikong sleeves. Napagpasyahan kong hindi magsuot ng salamin ngayon dahil hindi babagay sa damit ko, red rimmed pa naman yun. Uupo nalang ako sa bandang harapan sa klase para makakita ng maayos. First time kung magdress sa school, haha. Puro kasi ako jeans at tshirt dahil sa pagmamadali. Isang simpleng cream na doll shoes ang sinuot kong sapin sa paa at naglagay lang ako ng lipbalm sa labi ko. Bababa na sana ako ng marinig ang busina ng sasakyan kaya napadugaw ako sa bintana. Mula doon ay nakita ko si Rylai na kumakaway habang nasa kotse naman si Hazel na siyang bumusina. Ngumiti ako at agad na lumabas ng bahay.
"Uy, ang aga niyo namang bumisita." Tawa ko pagkatapos bukas ang gate. "May pasok ako ngayon."
Sinulyapan nila ako mula ulo hanggang paa. Si Hazel ang unang nakabawi.
"You look pretty, no scratch that. You look so gorgeous with that dress, gosh Anahi!" Ani Hazel na binuksan ang pinto ng kotse niya at bumaba. "You didn't tell us you went shopping." Dagdag niya.
Hindi na ako nagtaka kung akala niya ay nagshopping ako kasi simula ng mamulat ako ay sila na ang kasama ko palaging bumili ng mga damit ang kung ano ano pa. They were so happy they spent money to buy me all the things they think I should have. Kulang nalang ay may kasulatan na nagsasabing guardians ko silang dalawa.
"True! At tsaka may taste ka pala sa damit. Cute mo." Ani Rylai na iniikutan ako.
"Ay, hindi. Nilibre lang 'to ng boss ko. Si Nash." I said.
Nahuli ko agad ang tinginan nilang dalawa habang naka-letter O ang bibig nila.
"Nililigawan ka ba niya?!" Nabibiglang tanong ni Rylai.
Tumawa ako sa hinala nila. "Hindi. Good mood lang siya nung araw na 'yun. Sinamahan niya ako sa pagg-grocery." Paliwanag ko.
"OMG. Sinamahan kang maggrocery? You need to make kwento about this, Anahi! Hindi ka nagkkwento!" May halong tampo na ani Hazel.
Kaya ang nangyari ay hinatid nila ako sa school at habang nasa daan ay ikwenento ko sakanila lahat ng nangyari na alam kong di pa nila alam. Kung ano anong bilin ang sinabi saakin nila Hazel at Rylai. Kesyo, may gusto daw saakin yun si Nash at Viel dahil sa mga ginagawa nila. Tinanong di nila ako tungkol kay Altheo. Sinabi ko na iniwasan ko na yung tao, at hindi kapanipaniwala ang sinabi saakin ni Rylai:
"You know what they say? You can murder a man by telling him you like him and never talk to him again."
Hanggang sa paglalakad ko sa paakyat sa third floor ng school building ay naririnig ko parin ang sabi ni Rylai. Totoo kaya yun? Parang hindi naman. Hindi naman siguro nababaliw sa kaiisip si Altheo dahil hindi ko na siya pinapansin. Tss. Bat ba kasi ako naniniwala dun. Umiling ako at pumasok sa loob ng classroom. Inagahan ko talagang pumasok para makapili ako ng upuan sa harap pero muntik pa akong sumigaw ng makitang hindi pala ako ang nauna. Doon sa bandang dulo, sa kaliwang bahagi ay nakamasid sa bintana si Altheo.
Naramdaman niya ang presensiya ko at nakita kong bahagya din siyang nagulat. Shit. Bigla akong nag-iwas ng tingin at umupo nalang sa isa sa mga upuan sa harap. Uh, awkward."Good morning." Narinig ko ang boses niya. Napakurap ako. Ako ba ang binabati niya? No. Hindi. Baka may kausap siya sa cellphone. Bawal mag-assume, ako rin ang mapapahiya. Hindi ko siya kinibo at nilabas ko nalang ang cellphone ko para magkalikot dun. Titignan ko nalang yung mga selfie namin sa kotse nila Hazel at Rylai.
BINABASA MO ANG
The Sleeping Maldita
ChickLitYou are señorita Anahi Anabella Virata. You woke up after eight years of being in a coma, only to find out that you're now an eighteen years old pauper! Pero isang tao ang gusto mong hunting-in. Ang batang lalakeng nagnakaw ng first kiss mo nung wal...