~ENGAGED~
HABANG pababa sa himpapawid ang private jet na lulan ko ay hindi ko mapigilang ma-tense. Bukas pa naman ang contract signing para sa partnership agreement namin sa mga Gokongwei pero kinakabahan ako na pumalpak dahil baka makita ko si Nash doon.
"Are you ok, Ms. Angelise?" Tanong saakin ni Melinda, ang pinasama saakin ni lolo upang maging secretary ko.
Kinumpas ko lang ang kamay ko sa harap niya para ipaalam na wag niya akong intindihin. Ang tigas ng ulo ng babaeng ito, sabi ng magsasalita lang siya pag kakausapin ko eh.
Masusing preparasyon ang ginawa ko bago tumulak papuntang Pilipinas. Pero ibang preparations. Sinimulan ko ang pagbabago sa pisikal na anyo.
Nagpa-blonde ako ng buhok at sinanay ang sarili sa pagsuot ng green contact lens. Sinaway ko ang sarili sa pagsasalita ng tagalog. Dapat ay harapin ko si Nash bilang si Angelise at kahit mamukhaan niya ako ay ipagpipilitan kong hindi ako si Anahi.
Hindi naman iyon mahirap gawin dahil kumpleto ang dokumento ko bilang apo ni Agustus Albrecht. Pati pekeng lalarawan ko simula bata hanggang magdalaga ay nasa internet bilang Angelise Albrecht. Kahit na iyon ang hiningi kong pabor sa lolo ko ay alam kong ginawa niya rin ito para sa negosyo namin. Sino bang may gusto na mabalitang tinakwil nito ang anak at ngayon ay kinilala ang apo dahil matanda na? Ang kumalat sa media ay itinago ako ng lolo ko at pinag-aral sa ibang bansa. Tikom lahat ng nakakaalam ng totoong pinagmulan ko dahil takot lang nilang magalit si Van Agustus Albrecht.
Pagkadating ko sa five star hotel na magiging bahay ko sa loob ng limang buwan ay agad akong nagbihis. Pinaalis ko na rin si Melinda matapos kong sabihin na sa kabila lang ang kwarto niya.
Agad kong tinawagan si lolo para ipaalam na nakarating na ako ng hotel. Ilang paalala ang binigay niya saakin bago matapos ang tawag. Sinunod kong tinawagan si Rylai.
"Bukas pa naman yun kaya pwede akong pumunta diyan but di tayo pwedeng mag-bar." Sagot sa yaya niyang magpunta sa bagong bar sa Makati.
["Osige na nga, pagkatapos nalang ng contract signing. So, kunwari foreigner ka talaga bukas? Paano kami? Patago ang mga gala natin, ganun?"]
"We'll talk about that later."
Iyon lang at nagpaalam na kami sa isa't isa. Nag-paalam ako kay Melinda sa telepono na may pupuntahang kaibigan at agad ng pinaandar ang pulang Aston Martin na binili ng lolo ko para gamitin ko. Plantsado lahat sa pagdating ko dito and I should not let him down.
Pagdating ko sa condo ni Rylai ay hindi na ako nagtaka ng madatnan sina Hazel, Brent at mga kaibigan nila sa college.
"Welcome back!" Sabay beso ni Hazel saakin.
"You look oddly gorgeous!" Puri ni Brent na nasa tabi ni Hazel, "Totoo nga ang sabi nila na malaki ang pinagbago mo."
BINABASA MO ANG
The Sleeping Maldita
ChickLitYou are señorita Anahi Anabella Virata. You woke up after eight years of being in a coma, only to find out that you're now an eighteen years old pauper! Pero isang tao ang gusto mong hunting-in. Ang batang lalakeng nagnakaw ng first kiss mo nung wal...