~CHAT~
"Bakit? Bakit kelangan niya pang itago na siya si Batman, I don't get it!" I said. Kahit anong gawin kong pagbaliktad ng utak ko para makita ang logic sa ginawa niya ay di ko maintindihan.
Hindi na napigilan ni Altheo si Viel ng lumapit siya saakin at umupo sa tabi ko.
"He's a jerk, that's why." Nakangising iling ni Viel.
Tinapunan ko ng masamang tingin si Viel. "At ikaw? Kilala mo na ako noon pa? You probably knew me all along kaya nung nagkita tayo you offered me a job right away."
I just can't believe it. Para akong napaglaruan dito. Ginawa akong tanga. Why can't people be just brutally honest? We seem to waste a lot of time decoding and figuring out what's on each other's minds because we're scared of the words spoken aloud. It would be easier if we just stop playing the guessing game entirely and it would mean less regrets in the future because we chose to speak out instead of holding it in. Ugh! Nash!
Tumikhim si Viel, "I asked you diba? Noong una tayong nagkita na you looked familiar.Then when you said Nash is your boss, I really did think na type ka lang niya kaya ka na-hire. I never thought na ikaw nga yung batang babae sa hospital. Damn, crush na kita bago ko pa malaman na ikaw 'yon."
Sumipol si Altheo sa narinig. "I'll check the kids. Excuse me."
Tsaka siya naglakad palabas ng kwarto. Isa ka pa Altheo! Mamaya ka sa'kin.
"Eh paano mo nalaman na ako yun? Nag-research ka tungkol saakin?" Medyo may iritasyon parin sa boses ko. Maybe I just need to fish more explanations at alam kong masa-satisfy lang ako kung kay Nash ko mismo iyon maririnig.
Natawa siya sa sinabi ko at nagsuklay ng buhok bago ako balingan. "I don't need to. Alam mo bang nang malaman ni Nash na kilala mo ako ay sinugod niya ako sa condo ko? Akala niya alam ko na ikaw yung Sleeping Beauty niya. Tinanong niya ako kung sinabi ko ba 'yong secret niya. Hindi nga siya makapaniwala ng ma-realize niyang siya yung nag-reveal saakin na ikaw nga 'yon kaya sinuntok niya ako. Haha."
Natawa na rin ako. Gago talaga 'yon. "So? Pinagsabihan ka niya na tumahimik?"
Tumango si siya, "Yup. We used to be best of friends you know, kaso galit na galit 'yon saakin simula noong malaman ni Tita Donna, mama ni Nash na may kalokohang ginagawa ang anak niya sa hospital."
Wait? Nagalit si Nash kay Viel? Ito ba yung dahil sinabihan siya ng mama niya na wag na akong bisitahin? Nabasa ko sa diary niya 'yon.
May malaki sigurong question mark sa mukha ko kaya ng hindi ako makapagsalita ay nagpatuloy si Viel.
"Naikwento ko kasi minsan sa mom ko. Mommy ko naman 'yon so I thought Nash's secret is safe. Hindi ko nga alam na rivals namin ang family niyo sa business that time so nagulat 'yong mommy ko sa nalaman, sinabi niya agad kay Tita Donna."
Dumako ang tingin ni Viel sa mga posters sa dingding matapos niya 'yong sabihin.
"I see." So that explains the cold air between Nash and Viel. "Kaya hindi na niya ako dinalaw after that." May halong pait ang tinig ko sa huling sinabi.
BINABASA MO ANG
The Sleeping Maldita
ChickLitYou are señorita Anahi Anabella Virata. You woke up after eight years of being in a coma, only to find out that you're now an eighteen years old pauper! Pero isang tao ang gusto mong hunting-in. Ang batang lalakeng nagnakaw ng first kiss mo nung wal...