Chapter 23

18.9K 462 10
                                    

~ANABELLA~




NAKARATING ako sa harap ng gate nila Altheo matapos ang mahigpit na pag-veverify saakin ng gwardiya bago makapasok sa exlusive village na ito.


Pinindot ko ang doorbell na nasa gilid ng gate nilang kulay maroon. Wala pang isang minuto ay bumukas ang gate at tumambad saakin ang isang matandang babae na naka-bestida ng bulaklakin.


"Ikaw ba si Anabella?" Tanong ng ginang. Tumango ako kahit naiilang sa pagtawag saakin ng ganun. Siguro sinabi ni Altheo na Anabella ang pangalan ko. Niluwagan ng ginang ang bukas ng gate para makapasok ako sa loob.


"First time may pinapunta si senyorito Altheo dito ah. Gelpren ka ba niya ija?" Tanong niya saakin matapos isara ang gate.


"Naku, hindi po. Classmate niya po ako." Utas ko. Nangunot ang noo ng ginang sa sinabi ko.


"Ganun ba? Pero nakakatuwa parin na may bisita siya. Malungkot na bata iyang si Altheo, hindi nakikipagkaibigan simula nung...." Hindi ipinagpatuloy ng ginang ang sasabihin na parang may ikinalungkot sa naalala.


Ang anti-social pala talaga ni Altheo.May mga tao pala talagang kayang mabuhay ng walang kaibigan? Hindi ako naka-imik sa nalaman. Gusto kong tanong kung anong nakapagpabago sakanya pero mukhang ayaw namang pag-usapan yun ng ginang kaya nanahimik nalang ako. Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay nadatnan ko si Altheo na inaalalayan sa pagbaba sa hagdan ang mama niya.


"Hello po." Agad kong bati. Sumulyap rin si Altheo saakin.


"Naku ija, salamat sa pagbisita." Bakas ang tuwa sa mukha ng mama ni Altheo bago balingan ang ginang na nakatabi ko, "Hindi ba tama ako Rosa, ang ganda ng kaibigan ni Altheo, ano?"


"Ay oo, ang ganda nga ni Anabella." Baling saakin ng ginang na tinawag na Rosa.


Natawa ako."Ay hindi naman po masyado."


"Upo ka. Tita Thea nalang itawag mo saakin." Sabi ng mama ni Altheo ng makababa na sila at papunta na sa kinaroroonan ko. Napansin ko na nangangalumata si Altheo na parang ilang gabing hindi nakatulog ng maayos. Dahil siguro sa pag-aalala sa kalagayan ng mama niya.


Ngumiti ako at umupo sa single sofa. Minimalist ang style ng bahay nila. Simple lang ang interior pero eleganteng tignan. Hindi rin ito napapalamutian ng mamahaling mga gamit, tulad ng paintings o di kaya'y vase pero makikita mo na marangya ang pamumuhay ng nakatira dito.


"Kumusta naman ang school ija, hinahanap na ba si Altheo ng mga teacher niyo?" Tanong ng mama ni Altheo.


"Hindi naman po, kasi may excuse letter naman si Altheo, tsaka dala ko po yung mga notes na pwede niyang kopyahin para sa mga na-missed niyang lectures." Saad ko.


Wala namang imik si Altheo at aling Rosa na nakikinig lang saamin.


The Sleeping MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon