~BUSINESS~
SUMAMA ako sa ambulansiya habang hawak ang kamay ng walang malay na si Nash. Naampat na ng mga medics ang dugo sa ulo nito at sa katawan. May mga tinanggal ding bubog sa balat niya pero hindi iyon sapat kaya kailangan niyang madala agad sa ospital. May mga ikinabit na aparato sakanya pati sa bibig. Mabilis ang pangyayari at pagkadating pa lamang nang ambulansiya ay may grupo na ng mga nurse ang tumulong at nagtulak sa stretcher niya. Pigil ang hininga ko ng ipasok siya sa ER at pagbawalan ako ng doktor sa loob.
Para akong hapong hapo at nanghihina sa nangyari. Na-control ko na ang sarili kong huwag umiyak ngunit napapakagat labi ako sa hindi pagtigil ng kamay ko sa panginginig. Nagawa kong kunin sa bulsa ng shorts ko ang cellphone at unang tinawagan and driver ni Rylai para kunin ang naiwan kong sasakyan. Sumunod kong kinontak ay si Altheo na tamang tama ay online sa Facebook. Wala kasi akong numero niya kaya hindi ko ma-tawagan.
Me: Naaksidente si Nash. Pakisabi sa pamilya niya, kritikal siya ngayon.
Altheo: Ano? Magkasama kayo? Ikaw ok ka lang? Sige, pupunta ako diyan. Saang ospital?
Pagkatype ko ng ospital ay hindi na ito nagreply pa. Naghintay ako sa bleachers malapit sa emergency room at nakatulala lang doon. Kahit magdasal sa kaligtasan niya ay hindi ko magawa ng maayos dahil sa sobrang kabang nararamdaman.
"Anahi!"
Nilingon ko si Altheo na patakbong papunta saakin at agad akong hinila patayo. "Anong nangyari? Ok ka lang? Anong nangyari kay Nash?"
Gustuhin ko mang sumagot ay wala akong magawa. Parang namanhid ang buo kong katawan habang paulit ulit kong sinasabi sa sarili na kasalanan ko 'yon.
"Anahi!" Niyugyog na niya ako sa balikat at tsaka lang ako napatingin sakanya.
"N-Nabangga yung k-kotse niya, k-kasi sinundan niya a-ako.."
Akala ko ay hindi ako maiiyak dahil kontrolado ko ang sarili pero hindi ko namalayang kusang tumutulo ang mga luha ko. Niyakap ako ni Altheo at kinalma. Hinayaan ko ang bugso ng damdamin ko. This is my fault! Kapag may nangyaring hindi maganda kay Nash ay hindi ko mapapatawad ang sarili. Naging padalos-dalos ako at hindi ko inisip ang kahihinatnan ng mga actions ko.
Kumalas ako kay Altheo ng may marinig na mga yabag sa sahig at nanlaki man ang mata ko ay hindi ako nagulat ng makita si Mrs. Gokongwei, Tish at Winston.
"Asan ang anak ko? Asan ang anak ko ijo?!" Tanong agad ni Mrs. Gokongwei kay Altheo. Sinulyapan ni Altheo ang ER para sagutin ang ginang. Tsaka lang niya ako nakita at agad naningkit ang mga mata nito.
"Ikaw! Nagpakita ka nanaman! Anong ginawa mo sa anak ko?! I told you to stay away from my son!" Tinulak tulak niya ako habang umiiyak pero inawat siya ni Altheo.
"Let me go, Winston! I want to slap that bitch's face!" Sa gilid ng mata ko ay nakikita kong pinipigilan ni Winston si Tish na makalapit saakin.
BINABASA MO ANG
The Sleeping Maldita
ChickLitYou are señorita Anahi Anabella Virata. You woke up after eight years of being in a coma, only to find out that you're now an eighteen years old pauper! Pero isang tao ang gusto mong hunting-in. Ang batang lalakeng nagnakaw ng first kiss mo nung wal...