Chapter 8

25.3K 680 75
                                    


~SLEEPLESS~




NAPAKA-WEIRD ng feeling na pumasok ngayon sa office matapos 'kong mapuyat kaka-google ng meaning kung anong ibig sabihin pag napapasaya mo ang isang lalake. Ugh. I know, it's lame. Kasi sabi doon, ang lalake pag masaya na kasama ka it's either he consider you a nice friend to be with o kaya may gusto sayo! Well, imposible namang magkaibigan kami ng boss ko diba? Imposible ding gusto niya ako? Argh! Kagagahan ko kasi ba't pa ako nagpakapuyat para lang dun!


"Anahi!"



"Ay leche-I mean, po?" Sa sobrang pagkagulat ko ay muntik ko pang matabig ang coffee ko na nasa plastic cup. Ang timang!


Halos pagkasyahin ko sa drawer ng table ang sarili ko ng makitang lumalapit saakin ang boss ko na naka-white t-shirt and jeans.



"What are you thinking? Kanina ka pa tulala diyan. Mind to share?" Nakangiting puna ni Nash at as usual, ang gwapo gwapo niya kapag nangiti. Kainis!



Inhale, exhale... "Wala po. Inaantok lang siguro a-ako. hehe." I lowered my head and utter a cuss.


Sa daming pwedeng palusot, yun pa talaga ang naisip ko. Baka bigyan niya ako ng maraming trabaho para hindi antukin, ang timaaannnnnggg!


Hindi ata kumbinsido ang kaharap ko kasi nangunot ang noo nito habang tinitignan ako ng matiim.


"I told you to drop the 'Po' diba? At bakit ka naman inaantok? Dont tell me,you slept late last night?"


"Sorry." Wait, what am I sorry for? Dahil nakalimutan kong wag siyang i-po? Haha. "Uh, yes. Napuyat kasi ako kahapon." Biting my lower lip to avoid adding the sentence. Alangang sabihin ko kung bakit ako napuyat, heck no!


"At bakit naman napuyat si Ms. Virata kagabi?" Nakataas ang isang kilay niyang usig saakin.


Lumapit pa siya saakin tsaka siya yumuko habang nakapatong ang mga kamay sa table ko. "Bakit ka napuyat?"


Ugh. Why is he always like this? Laging nangingialam? Laging gusto ng details. Hindi naman na saklaw ng pagiging boss niya yung pagtatanong ng personal na bagay ah! Kainis!


"Answer, Anahi."


That's it! "Wala ka ng pakialam kung bakit ako napuyat noh? Baka may ka-chat pa ako sa FB o kaya ka-text? duh."


Nang makita ko ang pag-kibot ng labi niya, dun ko narealize na hindi siya natuwa sa sagot ko. Uh oh. Boss ko nga pala siya pag nasa opisina kami. Geez!


Akala ko ay lalamunin niya ako ng buhay, pero sa halip ay umalis siya sa pagkakapwesto sa table ko at naglakad sa glass window para tignan ang view sa baba ng building. Phew! Pwede na akong huminga.

The Sleeping MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon