~NERVOUS~
"I-Im A-Anahi." Nairaos kong sabihin iyon kahit sobrang nagulat ako. Gokongwei nanaman?
Natawa ng pagak ang lalakeng nasa harap ko, nakaka-akit ang pagka-asul ng mata niya, parang malalim ang pinanggagalingan. Parang katulad ng dagat.
"She's cute." Saad ni Lucky Blue kay Altheo tsaka niya ito tinapik sa balikat pero agad iyong inalis ni Altheo.
Nangingising umiling iling ang lalakeng may platinum blonde na buhok. "Yah don't have to hate me too, dude. Loosen up... half cousin." Aniya bago ako balingan at kindatan.
Nilampasan niya kami at agad sumunod sakanya ang mga estudyanteng parang mga alipores. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa wala nang matirang tao kundi kami nalang ni Altheo.
Kinalabit ko siya, "Gokongwei yun? Bakit dito siya nag-aaral?"
"Ewan." He answered. "Umpisahan na nating maglinis, para matapos na tayo."
Bumuntong hininga nalang ako. Wala talaga akong mapapala sa Altheo na ito pagdating sa tsismis. Imposibleng wala siyang alam kung bakit dito nag-aaral yung mala-Jack Frost na Gokongwei na yun eh. Imposibleng wala dahil galing din pala si Altheo dito sa west campus.
Nang matapos kaming maglinis at magpunta sa faculty room para kausapin ni Mrs. De Chavez ay sinundan ko si Altheo papunta sa canteen.
"Anong oorderin mo?" Tanong ko sakanya ng pumila siya sa counter.
Nilingon niya ako, "Pagkain."
Ngumiti ako ng alanganin, "Hehe sabi ko nga. Kakain din ako." Sagot ko.
Next time kukumpletuhin ko ang sentence ko para sumagot siya ng maayos.
Nauna siyang umupo sa isang bakanteng table habang hinihintay ko ang order ko, nakita ko ang paparating na sila Joben, Lindsay at Joem, mga kaklase namin, akala ko ay oorder din sila ng pagkain pero laking pagtataka ko ng nag-unahan silang makalapit saakin.
"Uy, anong nangyari sa pagpunta niyo sa west campus?" Pambungad na tanong ni Lindsay habang sinusuri ako mula ulo hanggang paa. "Wala kang galos? God, buti nalang safe kang nakalabas!"
"Nakita mo siya? Nakita mo? Ahh ang gwapo niyo noh?!" Halos pasigaw na tanong naman saakin ni Joem.
"Huh? Naglinis lang naman kami dun eh. Sinong tinatanong mong nakita ko?" Maang kong tanong sakanya.
"Si Lucky Blue!" Sabay nilang sagot.
Hindi ko ineexpect na kilala sa main campus si Lucky Blue. Akala ko isolated ang mga istudyanteng nasa west campus at hindi nakikita ng mga nandito sa main.
BINABASA MO ANG
The Sleeping Maldita
ChickLitYou are señorita Anahi Anabella Virata. You woke up after eight years of being in a coma, only to find out that you're now an eighteen years old pauper! Pero isang tao ang gusto mong hunting-in. Ang batang lalakeng nagnakaw ng first kiss mo nung wal...