The Ending

28.6K 687 223
                                    



"No!"


Bigla akong napabangon. Ramdam ko ang pawis sa sentido ko habang hinahabol ang hininga. Napatingin ako sa paligid. Puro puti. May mga balloons. Gift boxes.. toys... Unti unting kumunot ang noo ko sa nakikita. Napatingin ako sa suot kong hospital gown. May poker cards sa sahig bandang gilid. Hindi.. Bakit nandito nanaman ako sa hospital na 'to? Sa kwarto ko.. Hindi..


Napatingin ako ng bumukas ang pinto.


"Ay shocks! Gising kana?!" Bigla akong nilapitan ni Rylai at may pinindot na button sa gilid ng higaan ko. "Are you ok? Gosh, omg! You're awake na talaga!"


"Rylai-" Natigilan ang kakarating na si Hazel ng makita ako.


Namilog ang bibig niya "Gising kana! Totoo ba 'to? Nagtawag kana ng doktor?" Baling niya kay Rylai na tumango naman.


Teka.. Teka.. anong gising na ako? Bakit ako nandito?


Hinanap ko ang boses ko at nagtanong. "A-Anong nangyari s-saakin? B-Bakit nandito nanaman a-ako?"


Takang nagkatinginan ang dalawa sa sinabi ko. Lumapit ng dahan dahan si Hazel at naupo sa gilid ng kama ko.


"Anong sabi mo? Bakit ka uli nandito?" Pinakatitigan niya ako na parang malaking misteryo ang binanggit kong mga kataga.


"Yeah.. w-why am I here again? W-what happened? A-ang naalala ko lang, n-nagwawala ako.. k-kasi.. kasi.." HIndi ko na natuloy ang sasabihin ang napayuko nalang habang bumubuhos ang luha ko. Si Nash! Nasaan si Nash!


"N-Nasaan si Nash? May balita na ba?"


"Nash? Sinong Nash?" Gulong gulo si Rylai sa sinabi ko. Anong sinong Nash?


Hinawakan ni Hazel ang isa kong kamay at hinaplos haplos iyon. "Na-coma ka Anahi..Eight years at nagising ka lang nung isang araw.. may hinahanap kang Batman tapos nahimatay ka uli. Ngayon naman may hinahanap kang Nash? Seriously?"


Halos sumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. "A-Ano? K-Kakagising ko lang? Hindi.."


Parang may sumasakal sa puso ko.. hindi.. hindi pwedeng panaginip ko lang ang lahat.. Totoo si Nash.. Umiling ako at nakita ko ang pagkaalarma ng dalawa kong kaibigan.


"I-beep mo uli si doc." Utas ni Hazel kay Rylai na maang na tumalima at pinindot uli ang isang button sa gilid ng higaan ko.Pagbaling saakin ni Hazel ay malamlam ang mga mata niya. "Nanaginip ka siguro Anahi. Wala tayong kilalang Nash. Saka sino yung hinahanap mong Batman?"


"Si Nash! Si Nash yung Batman! Totoo siya!" Para akong nakikiusap na paniwalaan ako. No. Hindi pwedeng panaginip ko lang ang lahat. Totoo ang mga nangyari.. Hindi pwedeng hindi siya nag-eexist!

The Sleeping MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon