Chapter 21

19.4K 500 23
                                    

~PLEASE~




Naramdaman ko ang paghagod ni Viel sa likod ko.




"Let's get out of here." Bulong niya tsaka ako hinila palayo ng jacuzzi.




Walang imik na sumunod ako sakanya. Ayoko na dito. Gusto ko ng umuwi, doon sa bahay ko, sa maliit kong kwarto.



"I told you na bukas mo na siya kausapin diba? Hard-headed." Sermon niya saakin ng tumigil siya sa paglakad.



"I'm s-sorry." Yun lang ang nasabi ko. Sa dami ng hindi ko maipaliwanag na emosyong nararamdaman ko ay hindi ako makapagsalita ng maayos.



Bumuntong hininga siya at yumuko para mapantayan ang titig ko.




"A-na-hi Vi-ra-ta." Mabagal na bigkas niya sa pangalan ko bago ako pitikin sa noo.



"Aww. What was that for?" Tanong ko habang sapo ang noo. Feeling ko bumakat yung daliri niya dun.



"For being hard-headed, ofcourse. Nalaswahan ka sa nakita mo noh?" He asked.



Natawa ako sa sinabi niya. Ang alam siguro ni Viel ay nalaswaan ako sa nakitang paglalampungan ni Nash at noong babae kaya ako napatalikod.



"Uh, siguro nga." Ani ko. Oo, siguro kaya ganun yung naramdaman ko ay dahil sa first time kong makakita ng naghahalikan sa totoong buhay tapos si Nash pa. Yung pagkikiss nila ng ganun, ano ba yun? Foreplay na ba yun?



Sumulyap ako sa dagat para mawaglit ang naisip.



"Hay. You're really rare. Saan ba ako makakabili ng katulad mo?" Pabirong tanong niya bago uli naglakad. Binilisan ko ang lakad para makasabay sakanya.



"Uy, walang nabibiling tulad ko noh. Nag-iisa lang ako at hindi ako nabibili." Sagot ko sakanya ng nakangiti. Natawa siya sa sinabi ko. Napanguso ako. Napapaisip ako eh, paano kaya kong si Viel si Batman? Masaya siguro siyang kasama.



Tumigil siya at tinignan ako, "Rent."



Nangunot ang noo ko dun. "Rent?"

The Sleeping MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon