Chapter 7: Drink

478 15 0
                                    

"Why'd you asked? You knew him also?"

"Hmn!" I cleared my throat, kasi pakiramdam ko na may bumara doon. "Of course not." Liar! "Ciao, punta na ako doon, may bagong costumer." 

Tumango si Amanda saka nakiupo sa isa sa mga suki niya dito sa bar, ganoon siya kafriendly sa mga costumers niya.

"Sir... What do you want to drink?" I asked the man whose wearing a v-neck gray color. I also noticed that his eyes color is gray, gaya ni Cohen na tahimik na sumisimsim sakanyang baso, nakatingin sa harapan niya na tila malalim ang iniisip niya. "Uso ba ngayon ang gray na kulay ng mata?" Mahinang bulong ko habang umiiling.

"You..."

Huh? Tumingin ako sa lalaking nasa harapan ko, nakangisi siya pero hindi naman mukhang ngisi ng manyak na tao.

"I want to drink you, would you let me?"

Titirisin ko ang mga mata nito eh!

Tumawa ako ng pagak. "Over my dead body." Sagot ko saka pinaseryoso ang mukha ko, nasa trabaho ako at hindi makipaglandian. "I'm asking you sir, what do you want to drink between the wine and the alcohol drinks? And for you information, I am not an alcohol or wine that you can drink."

He grinned. "I'm just joking, lady. Hindi ko akalain na seseryosohin mo, hindi ka pala tinatablan sa kaguwapuhan ko. Anyway, just give me a cup of coffee 'coz I can't drink when my cousin is drinking." Then he glance at Cohen.

Napatigil ako sa pagtimpla ng kape niya saka sumulyap kay Cohen. "He's your cousin?"

Tumawa ito nang mahina saka maarteng humawak sa dibdib. "Lahat ata ng napagsabihan ko na pinsan ko iyan ay gulat, isa ka pa, nakakasakit na kayo sa akin ah..."

Kumunot ang noo ko sa iniasta niya, anong... No wonder, they're cousins, pareho silang maarte.

"Sabagay magugulat kayong lahat kasi ako iyong napakaguwapo at ang pinsan ko iyong napakapangit at hindi kami magmukhang pinsan, iyong mga mata lang namin ang magpinsan."

What the f... I faked a cough before giving him his coffee. I watched him when he sipped on his coffee, he winced. "What the hell? Too much sugar!" Nakangiti ko siyang binigyan ng tubig. "Why is that?" Tanong niya nang makarecover.

"Pasensya na po, sa uulitin."

He shook his head. Akmang magsasalita nang tumunog ang cellphone niya. Nakakunot itong tumingin sa screen bago iyon sinagot. "Yes, Wednesday... Oh sorry Tuesday, I thought it's Wednesday today." Huminga siya nang malalim habang kausap ang nasa kabilang linya. Nag-excuse pa siya sa akin kaya tumango ako.

"Pst!" Dahan-dahan akong napatingin sa kinauupuan ni Cohen. Sinenyasan niya akong lumapit sakanya kaya iyon ang ginawa ko kahit na sinasabi ng utak ko na huwag akong lumapit sakanya. "Give me another bottle of this alcohol."

I sighed. Nakayuko siya at ubos ang dalawang bote non, lasing na siya pero nanghihingi parin. "Sir, marami na po kayong nainom..."

"I don't care, just give me what I want."

"But sir..."

Tinuro niya ako pero nakatingin ang mga mata niya sa bandang tiyan ko. Nahigit ko ang hininga ko at agad iyong cinoveran. Uminit ang magkabilang pisngi ko, shit!

"Kung si Phineas ako, ibibigay mo ba ang gusto ko?"

"Phineas, who?"

"The man that you're talking with earlier, my cousin..."

"O-of course yes, kasi parte iyon ng trabaho ko..." Pero iyang hinihingi mong alak, hindi na, madami ka nang nainom.

Napatalon ako sa kinatatayuan ko nang ngayon ko lang narealize kong gaano kapalapit ang mukha niya sa mukha ko, tumayo siya. Ramdam ko ang hininga niya na amoy alak pero mainit iyon. "Just give me what I want or do you want me to kiss you. Choose wisely, hmm?"

Umatras ako nang kaunti saka hinawakan ang magkabila niyang balikat para paupuin siya. Iniwan ko siyang nakayuko doon at kumuha ng isa pang baso ng alak na hinihingi niya.

Nang bumalik ako ay nakita ko si Phineas na kinakausap ang pinsan. "Oh. Come on bro, let's go home."

"Just leave me alone Phineas! I used to be alone when she out of nowhere... That girl. Harump!"

Phineas held his nose like he is having a problem. "Oh, men. There you go again with that girl. Just move on."

"Fuck you!" Cohen showed his middle finger to his cousin. Doon na ako lumapit sakanila at baka mag-away pa sila.

I put the bottle on top of the table. "Here's your order, sir."

Gulat na tumingin si Phineas sa alak saka sa akin. "He ordered again?"

Tumango ako at ibinaling ang tingin sa harapan ko, napapapikit parin ito ngunit gusto pang buksan ang bote kaya kinuha ko iyon at binuksan para sakanya.

"Oh, come on! Cohen! You're at your worst state, just enough drinking. We need to go home or else lola would kill us."

"Phineas! I already said you can go home. Don't wordy to much huh..." Tinapik-tapik pa ni Cohen ang pisngi ng pinsan. "I can manage myself."

"With your state right now?" Phineas asked to his cousin.

Cohen growled. "Just stop talking and go met your Tuesday. You're really pain in the ass, like your name."

"F*ck!" Phineas' brows furrowed as if he was annoyed.

I remained my face's reaction stoic as I waited for their decision. Bigla nalang may inilabas si Phineas na card mula sa pitaka ni Cohen at ibinigay iyon sa akin. He urged me to get it so I did. Napatingin ako doon saka kay Phineas.

"Anong ibig sabihin nito?"

"That's my cousin's card, sa condo unit niya. Huwag kang mag-alala. Nandiyan na sa card nakalagay kung saang lugar iyan. Magtaxi nalang kayo."

"Teyka..." What the hell?!

Lumingon siya sa akin at may kinuha pa sa pitaka ng pinsan. Ten thousand. Nakangisi niyang ipinatong iyon sa island counter. "That's for the taxi ride and the rest is yours, just make sure you'd bring him in his condo safe and sound. I'll visit him in the morning and if something happens to him..." Pinaseryoso niya ang mukha niya saka ngumiti. "Nevermind, I can trust you anyway. Take care of my cousin just for tonight."

"What the f..." Sinundan ko siya sa harapan ng exit door.

"I'm really sorry. I'll get going 'coz I'll be meeting someone."

Naiwan ako doong nakanganga.

"Hoy!" Amanda snapped before looking at the card and the ten thousand on my hand. "Woah. What was that for?"

Lumingon ako kay Cohen. Bakit ganoon?! Gusto ba talaga akong parusahan?! Bakit sa lahat ng tao ay siya pa?!

"Ihahatid ko daw ang lasing."

"Si Cohen? Oh my god!" Napatalon ako nang kinurot ako sa tagiliran ni Amanda kaya napaigik ako. "Wow! Balita ko magaling iyan sa kam*, go girl! Ako nang bahala dito sa bar, ihatid mo na si pogi dahil lasing na lasing. Magresbak kayo. Uyy!"

Pakiramdam ko'y may nakatingin sa akin kaya luminga ako sa bar, doon napako ang tingin ko kay Cohen na naman na nakaharap sa akin, nakatungkod ang mga braso sa likuran niya sa island counter habang sumisimsim ng alak.

Napalunok ako dahil iba iyong tingin niya, bumaba ang tingin niya sa dibdib ko saka sa tiyan ko na kitang-kita dahil sa style nang suot kong crop-top. Sumimsim ulit siya sa alak niya bago binasa ang labi gamit ang dila niya. Napakislot ako, bigla nalang akong nakaramdam ng kakaibang init na hatid ng ginagawa niya at ang tingin niya sa akin.

The Billionaire's Ex-Lover (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon