Chapter 17: Touch

518 14 0
                                    

"Pogi? What are you doing there?" Natauhan ako nang nasa harapan ko ang anak ko. Nakaupo sa harapan ng lalaki na gusto kong layuan ng anak ko. "Umiiyak ka po?"

"No... Angel. I am okay... Let me just stand up." Nakita ko kung paano alalayan ng anak ko si Cohen.

Nang humarap sa akin si Bethany ay mas lalo akong nanghina dahil sa sama ng tingin niya. "I can't believe you did this to my 'handsome!'"

"Uhm- Angel. Walang ginawa si mommy mo sa akin." Pagtatanggol sa akin ni Cohen.

"Pero po narinig ko ang sinabi niya sa iyo!" Doon niya ako binalingan. "I can't believe that you can do this to handsome. Mommy. I hate you!"

Sinigawan niya ako bago hinila si Cohen papunta sa ikalawang palapag ng bahay. Sinundan ko sila ng tingin pero agad akong umiwas nang lumingon sa akin si Cohen. Tumalikod ako sakanila para itago ang luha ko.

Bakit ganito kasakit? Gusto ko lang naman siyang ilayo sa Valderrama na iyon para hindi madamay ang anak ko. Gusto ko lang naman siyang protektahan. I want the best for her cause I am concern about her but it turns out na ako iyong nagiging masama sa paningin niya. Wala akong kasinsamang ina!

Bumaba si mama mula sa itaas at nang makita niya akong umiiyak ay nilapitan niya ako. "Sa isang linggong wala ka ay halos si Mr. Valderrama ang gusto niyang kalaro, mukhang nag-eenjoy siyang samahan ito at dahil narin siguro sa dinadala siya ni Mr. Valderrama sa resthouse nito at sa hospital para makipaglaro sa mga bata. Nandoon ako sa mga araw na nakasama niya si Mr. Valderrama at ngayon ko lang nakita na masaya siya."

Napalunok ako. "Anong ginagawa nila sa itaas?"

"Sumilip ako kanina at patuloy paring umiiyak si Bethany sa bisig ni Mr. Valderrama. Kailangan mong ayusin ang relasyon niyo nang anak mo dahil nakakahiya na ang ka-dramahan niyong mag-ina."

Matapos ko siyang makausap ay umakyat ako sa itaas. Kumatok ako ng mahina sa pinto na slightly na nakabukas bago iyon binuksan. Nakita kong nakahiga si Angel sa bisig ni Cohen na nakaupo sa gilid ng kama.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Oh." Dahan-dahan niyang inihiga si Bethany sa kama niya, nang tumagilid si Bethany ay nilingon siya ni Cohen para masigurado na tulog na si Bethany bago ako hinarap. Humakbang ako para maisara na niya ang pinto.

"Halika sa ibaba." Sinunod niya ako pababa ng bahay. Sinenyasan ko si mama na bantayan muna ang anak ko sa kuwarto nito.

"Sa labas na tayo mag-usap." Lumabas ako sa bahay hanggang sa nakalabas narin kami sa gate. Nanatili parin siyang nakasunod sa akin. Hinarap ko siya, ang mga kamay ko ay nasa bulsa ko. "How did you know that I was Cailliegh?"

"It's been eight years, Cailliegh..."

"Was. I was Cailliegh. But now, I am Cean Wayne."

He sighed. "Noong nakita kita noong nasa bar tayo, para talaga kitang namumukhaan pero pilit ko iyong binalewala. You have a hazel colored eyes, and you are not fat like eight years ago. I saw your album hours ago, then I accepted that you are the lady I've been looking for."

Umiwas ako ng tingin. "Gusto kitang makausap para layuan mo ang anak ko."

"I will not."

"What did you say?"

"I will not leave."

"How could you say that? Ah-"

"The moment that I found you again. I can't leave and can't wait to have you mine again..."

Itinuro ko ang kotse niya. "I want you to leave... leave out of our lives."

"Can't."

"You..."

The Billionaire's Ex-Lover (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon