Chapter 2: Cheer

639 17 0
                                    

"Hey! Cutie Pie!" Napatigil siya sa paglalakad at hinarap si Cohen. Humahangos itong tumigil sa harapan niya habang nakayuko at hawak ang mga tuhod, animo doon nagpapahinga pagkatapos ng isang minuto ay tumayo tapos ay tiningnan ako mata sa mata.

"Hmn?" Tanong niya habang nakaiwas ng tingin. Nakakailang kasi atsaka isa pa, hindi ko naman parin matanggap na ahead ako sakanya ng dalawang taon. Dalawang taon? Oo. 19 siya tapos 21 ako.  "May sasabihin ka ba kasi kung hindi ay aalis ako..."

"Iniiwasan mo ba ako, cutie pie?" Nakakunot-noong tanong niya.

"At bakit ko naman iyon gagawin?" Pinahalata kong ayos lang ako sakanya. Ngumiti ako. "Saka isa pa, bakit naman kita iiwasan diba? Napakabait mo kaya saka... Ay iyong payong mo pala, ibabalik ko. Kahit na sinabi mong hindi ko na ito ibabalik ay ibabalik ko parin dahil hindi ko naman iyan pagmamay-ari."

Ibinigay ko sakanya ang payong pagkatapos niyon ay umalis ako pero bago pa ako tuluyang makaalis ay nagsalita na ulit siya.

"I hope you'll come and cheer me up tomorrow in our University. I'll wait for you, 10 a.m."

Narinig ko iyon at agad na umalis. Two months ago noong huli kaming nagkita sa jeep at tuloy-tuloy ang pagkikita namin hanggang sa nalaman ko kahapon na ahead ako sakanya ng dalawang taon, mas matanda ako sakanya tapos hindi ko makakailang na crush ko siya.

Ang guwapo niya, matangkad, basketball player, palabiro at palatawa pero mabait yan sa akin. Narealize kong hindi din ako pwedeng magka-crush sakanya kasi madaming nagkakagusto sakanya, isa pa ay madami siyang naging babae at lahat ng mga iyon ay magaganda, matatangkad na skinny din. Hindi kagaya ko na pangit na ay mataba pa.

~~~~

"Hoy! Cailliegh! Bumangon ka diyan at pupunta tayong Epic University... Dali! Dahil kailangan tayo doon para manalo ang ating basketball player. Bumangon ka na diyan!" Utos sa akin ni Alfrea na agad kong sinunod.

Mahirap naman kasi kapag hindi ko siya sinusunod kasi baka mabulyawan ako nang paulit-ulit. Mahirap na.

"Magshoshower na muna ako." Hinang-hina ako habang naglalakad papunta sa banyo. Puyat ako kagabi kakaisip sa sinabi ng lalaki na iyon. Hindi ko din matanggap sa sarili ko na gusto ko ang Cohen na iyon.

"Huwag naman mabagal ang paggalaw, Cailliegh!" Sigaw ni Minique.

"Heto na!" Sigaw ko mula sa loob ng banyo pagkatapos ay isinuot ko ang bathrobe ko tapos lumabas sa banyo at dumiretso sa walk-in closet ko.

Dito sa bahay namin, oo, naming anim na magkakapatid. Tatlo ang kuwarto dito kaya't share kami sa kuwarto nina Alfrea at Minique, ganoon din sa mga lalaking kapatid namin, share sila ng iisang room pero malawak ang room naming lahat sa second floor.

Ewan ko din kay ama, bakit ayaw niyang makitira dito, sabi niya ay may tinitirhan siyang sariling bahay pero hindi niya sinasabi kung saan.

Nagpalit ako nang smoked puff dress, color maroon na it represents our basketball team's theme, iyong saktong-sakto sa aking katawan, hanggang tuhod ko siya saka ako nagsuot ng doll shoes ko keysa naman heels, baka masira iyong takong, sa timbang kong ito, oo talaga, baka masira iyong takong kapag iyong heels ang gagamitin ko. Sayang lang ang pera.

I also apply a foundation makeup, I did curl on my eyelashes as well as I brushed my eyebrows with black colors on it, then after that... I used liptint and I applied blush on makeup.

"You're so beautiful." Nakangiting ani sa akin ni Alfrea habang may ngiti sa labi, nakasuot siya ng dark blue pants at pang-itaas na jersey na ginawang crop top, kagaya iyon ng jersey ng basketball player ng university namin at hindi ko alam kung saan niya iyon nakuha. Siya'y nakaheels din, well bagay naman iyon sakanya.

The Billionaire's Ex-Lover (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon