Chapter 10: Hurtful

522 15 0
                                    

Nanghihina akong napaupo sa bench malapit sa lugar kung saan sana kami magdedate ni Cohen, tanaw ko ang lugar na iyon kung saan may mga ilaw. Masarap sa matang tingnan ang mga decorations at masarap pakinggan ang alon ng dagat pero mas masakit ang pakiramdam ko ngayon.

Mabigat nga ako, mabigat pa ang pakiramdam ko. Ang isip ko ay blanko pero patuloy parin ang pag-agos ng luha ko. Tinawagan ko ulit ang numero ni Cohen pero unattended. Ang sakit, ang sakit-sakit. Iyong karamay ko sana siya ngayong oras pero hindi siya dumating, sabi pa ng staffs dito na hindi padin daw sumisipot si Cohen.

Hatinggabi akong makarating dito, hinayaan akong makaalis ni ama sa isang abandonadong lugar na iyon na masakit lahat ng katawan ko.

Tumakbo pa ako papunta sa pinag-usapan namin pero wala siya dito. Gusto ko siyang kayakap, gusto ko na may umalo sa akin. Hindi ko kinaya lahat ng pambababoy na ginawa sa akin kanina, hindi ko kaya.

Mabilis kong pinahid ang luha ko at saka tumingin sa screen ng cellphone ko nang tumunog iyon, nabuhayan ako ng pag-asa nang makita ko ang pangalan ng kasintahan ko na nag-pop up sa screen.

From Cohen Joao:

I am so sorry, cutie pie. I'm sorry. I need an air, just give me time to think. I am not breaking up with you, I just need some time to think. We'll talk on this coming monday. I love you...

I dialed his phone again but he put it off. Naiwan akong nakatulala sa harapan ng mesa kung saan dapat kami'y magcelebrate ng ika-anim na monthsary namin pero mukhang hindi na matutuloy.

Dahan-dahan akong humakbang palapit sa dagat, napapaigik pa ako sa tuwing humahakbang ako.

Nanlalabo parin ang mata ko. Paulit-ulit kong sinuntok ang aking dibdib, nakatingin sa madilim na bahagi ng dagat. "Ang sakit! Ayoko nito! Ayoko please! Gusto kong mamatay! Gusto kong mamatay!"

Pumasok sa isip ko ang mukha ng mga kapatid ko at ang mukha ng aking nobyo. Pero hindi ko alam kong paano ko ipapaliwanag sakanila ang lahat ng nangyari kanina, lalo na sa nobyo ko. Naguiguilty ako sakanya. Diring-diri ako sa sarili ko.

Hahakbang na sana ako palapit sa dagat ngunit may brasong yumakap sa akin mula sa likuran. "Bullshit! Cailliegh anong gagawin mo! Magpapakamatay ka ba ha?!"

Kumalma ako nang mahina dahil kilala ko kung sino iyon, si kuya Felipe. Mariin akong pumikit nang pinaharap niya ako sakanya.

Hinaplos niya ang pisngi ko pero bago iyon ay sumiksik ako sa dibdib niya, niyakap ko siya ng mahigpit.

"K-kuya... A-ayoko na sa mundo, m-masakit..."

"Cailliegh. Anong sinasabi mo?! Sinong nanakit sa iyo? Sabihin mo kay kuya, papatayin ko..."

"Kuya..." Hinawakan ko ang braso niya para tumigil siya.

"Subukan mong sabihin sa mga kapatid mo o magsumbong sa kahit na sino, mapapatay kita mismo. Pasalamat ka at matinong lalaki ang pinili ko para sa iyo. Mag-iingat ka."

"Ah- kuya. Wala." Pinunasan ko ang luha ko at umayos ng tayo saka ngumiti. Kunot-noo itong tumingin sa akin. "Paano mo nalamang andito ako?" Pag-iiba ko ng usapan. Ayaw pa niyang sumagot dahil nanatili itong nakatingin sa akin na may pagtataka sa mga mata niya. "Kuya, okay lang ako, nagdadrama lang naman ako sak sagutin mo namn iyong tanong ko oh..." Tinampal ko pa ang braso niya.

The Billionaire's Ex-Lover (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon