Chapter 29: Comfort

450 16 0
                                    

"Binantaan ako ni papa." Bulong ko at napatingin sa akin ang lahat. Sina Minique, Alfrea, kuya Norbert, at kuya Jervin ay lumuluha na, habang si kuya Felipe ay pinapakalma si Alfrea pero halatang naiiyak din. "S-sabi niya... Papatayin raw tayo kapag may pinagsabihan ako. Papatayin niya raw ta'yo. Ayoko! Ayokong mangyari iyon..."

"At naniwala ka?!" Napatalon ako sa gulat dahil sa sigaw naman ni kuya Jervin. "Sa ilang taon tayong nagkasama, hindi mo man lang kami pinagsabihan? Masakit iyon para sa amin dahil para kaming tanga na wala man lang nagawa para sa kapatid namin, alam mo ba iyon?" Marahas niyang pinahid ang luha.

"Jervin." Ani ni Kuya Felipe.

"Hindi eh. Parang wala kaming naging silbi eh. Masakit para sa amin na malaman ang nangyari sa iyo, ni wala man lang kaming nagawa, may promise tayo sa isa't-isa diba? Na kahit anong mangyaring pagsubok sa atin ay lagi tayong magtutulongan pero hindi pala. Noong buntis ka, ni wala kaming kaalam-alam, nagpapasarap kami ng buhay doon sa ibang bansa tapos ikaw iyong nahihirapan, hindi ka man lang namin natulungang itaguyod ang pamangkin namin." Aniya kaya napahikbi ako.

Nag-angat ako ng tingin at nakasalubong ko ang tingin nila kuya Norbert at kuya Jervin sa akin bago sila tumalikod. My heart constricted with pain. They're disappointed, I knew it.

"Mga kuya!" Sigaw ko at akmang hahabulin sila pero pinigilan ako sa braso nitong si kuya Felipe.

"Hayaan mo na muna sila, magpapahangin ang iyong mga iyon, tsaka mahal ka ng mga iyon, hindi ka nila sasaktan, hmm?"

Sinundan ko ang tingin sina kuya. I'm sorry...

"Isang tanong- isang sagot, Cean. Noong pinaghiwalay tayo ng paaralan ng Antonio na iyon, doon ka nag-aral sa U.S. para itago ang pagbubuntis mo, oo?"

I bit my lower lip before nodding when kuya Felipe asked.

"F*ck it! Sisiguraduhin naming makukulong ng habang-buhay ang Antonio'ng iyan, pangako sis, hmm?" Tumango ako.

"S-Salamat."

"Magpakatatag ka, matatapos din ang lahat ng ito, at babalik na tayo sa normal." Niyakap niya ako bago kumalas at hinalikan sa labi si Alfrea bago dumukwang sa tiyan ni Alfrea. "Behave kay mommy, okay? Puntahan ko lang iyong mga gago mong tito. Aray naman!" Natawa ako nang binatukan siya ni Alfrea.

"Huwag ka sabing magsasalita ng bad words eh, pinapakinggan iyan ng anak mo." Ani ni Alfrea.

Kuya pouted. "Anak natin, saka sorry na hmm? Mahal." Maya-maya'y nagpaalam siya para sundan ang dalawang kuya ko. Nang maiwan kaming tatlong babae roon ay nagkatinginan kami saka tumili bago nagyakapan. This is what sisters always do.

"Ikaw ah." Ani ni Dominique na naluluha.

"Sorry..." Bulong ko at pinahid ang luha niya dahilan para tumawa siya.

"Don't worry, kung hindi ka namin tinulungan noon sa pagbubuntis kay gandang pamangkin, tutulungan ka na namin ngayon, sa lahat." Ani nila.

"Salamat, maraming salamat."

We stayed hugging, we shared stories and such when it's time for them to go home, uuwi narin sila lalo na si Alfrea dahil delikado sa bata ang magpuyat.

Mabuti't kahit nahihiyang ang pamilya ni Mang Adonis ay nagawang papayagin sila ng mga kapatid ko, bukas nalang daw ay uuwi sila, pumayag naman ako at ang mga kapatid ko dahil may mga tapat sa amin na tauhan namin doon sa isla na nagbabantay at naglinis.

The Billionaire's Ex-Lover (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon