Chapter 19: Family Day

486 16 0
                                    

Napansin ko na pamilyar sa akin ang daan na tinatahak namin. Gulat akong napatingin kay Cohen. I think I knew where are we going... Tumahimik nalang ako at tumingin sa daan habang hawak-hawak niya ang kamay ko.

Nang malapit na kami ay natanaw ko ang isang kubo sa di-kalayuan, sa tabi niyon ay may batis at talon na nakakakuha ng tingin. Meron ding mga fences na nakapalibot sa bahay kubo at sa batis.

Napaawang ang labi ko. Bumukas ang pinto sa tabi ko, hindi ko napansin na lumabas siya kanina. Inalalayan niya akong lumabas sa kotse hanggang sa lumapit kami sa gate. Binuksan niya iyon gamit ang isang susi. Hanggang sa leeg ko iyong taas ng bakod hindi gaya ng iba na hanggang sa tuhod lang.

"I was about to surprise you pero wala akong dalang panyo..." Napakamot siya sa batok. "I forgot."

"Okay lang. Nasurprise nga ako eh. It's been eight years. It was upgraded?" Meron ding mga bulaklak na nakaline-up.  "Ang ganda!" Bulaslas ko. "Saan iyong may-ari nito? Saka nagpaalam ka ba?" Tanong ko kay Cohen.

"Actually..." He smiled shyly. "I bought this from the owner and upgraded it..."

"Oh... shookt? So you mean, pagmamay-ari mo na ito?"

"Yeah. I bought it 'cause this place is special to the both of us. I was inspired throughout the years even though you aren't here by my side those years... I was always inspired and hopeful that you would came back and now, you came... Dito ako namamalagi every weekends. You want to swim?" Anyaya niya sa akin.

"Gladly." Nawala iyong ngiti ko nang may maalala. "Pero wala akong pamalit na damit." Nakagat ko ang ibabang labi ko habang nakatingin sakanya.

"Errr... There's a two piece bikini inside the house but it's a plus size." Napakamot siya sa kilay niya na tila ay hiyang-hiya.

I smiled mischievously before seriously looking at him, he didn't saw me smile but he saw my serious reaction. "Why plus size? I mean... Are you bringing some of girls here lately that were wearing a plus size clothes?"

His forehead creased. "Of course not, ikaw lang ang una na tumapak dito at hanggang ngayon, ikaw parin. I never bring any girls here. Not even my friends. It's just you and me who went here..." Napatigil siya saka ako tiningnan. "Teyka? Selos ka?"

Ako naman ang natigilan, gulat kong tinuro ang sarili ko. "Ako? Ha! Of course not! Nagtatanong lang ako!"

He just shrugged but there's still a sly smile from his lips. "Come on in..." Sinundan ko siya hangga'ng sa makatapak kami sa loob ng bahay kubo. Medyo may kalakihan iyong bahay.

Napanganga ako sa ganda niyon. Lahat ng mga ceilings at ng mga furnitures. "Hala! Bahay kubo pa ba ito?!" Bulaslas ko.

He chuckled at my reaction. "Bahay kubo if nasa labas tayo..." Nanatili parin akong nakanganga sa desinyo ng bahay, kahit dito nalang ako tumira ng ilang taon, okay na. Kahit habang buhay pa!

"Nandoon iyong closet." Tinuro niya ang isang pinto. "Mga damit ko at mga damit mo ang nandoon, pero lahat ay plus size."

Umiling ako kaya natawa ulit siya.

"Don't blame me, I just didn't expect that you could turn into a sexy mommy."

"Cohen!" Uminit ang magkabilang pisngi ko dahil sa panunukso niya.

Natatawang itinaas niya ang magkabilang kamay niya na tila sumusuko. "Okay, okay. Just go and change your clothes, kahit na huwag ka nalang magbikini ah? Baka hindi ko mapigilan."

Kinagat ko ang ibabang labi ko bago tumalikod sakanya. Shit bakit nag-iinit ang pakiramdam ko na naman saka... Pumasok ako sa closet na sinasabi niya. Maliit ang pinto pero sa loob ay malawak pa ang space.

The Billionaire's Ex-Lover (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon