"I'll put her in her room." Pagkarating namin sa bahay ay iniwan ako ni Cohen sa labas ng kotse at binuhat si Bethany saka pumasok sa loob ng bahay nang ipinagbukas sila ng pinto ni mama Lozila.
Hindi ko maiwasang maisip kung ano ba ang nangyayari sa lalaking iyon at tahimik parin, minsan parang malalim ang pag-iisip niya. Parang kanina noong nasa cemetry kami para bisitahin ang puntod ng asawa ni Lolo Vabio. Hindi ko kasi siya magawang pakiusapan kanina dahil nakikipaglaro at nakikipaghabulan naman sa anak ko.
"She's sleeping in her room now, you can get inside."
"Cohen..." Hinawakan ko ang braso niya nang akmang papasok siya sa kotse niya. Kumunot ang noo niya nang nilingon niya ako pero mas lalo namang kumunot ang noo ko sa iniasta niya. Kanina lang naman ay okay kami, pero bakit...
"What?" he asked. Para namang may sumuntok sa tiyan ko at ang sakit ay umakyat hanggang sa puso ko.
"I should be the one asking, Cohen. Hindi kita maintindihan. Kanina lang naman ay okay tayo tapos ano..."
Malalim siyang bumuntong-hininga tapos ay hinawakan ang likuran ng ulo ko at hinalikan ako sa noo bago pumasok sa kotse niya at pinasibad iyon. Nakatulala akong nakatayo sa labas ng bahay habang sinusundan ng tingin ang papalayong kotse niya.
"Anong nangyari doon? Nag-away kayo?" Tanong ni mama sa tabi ko. Napakamot ako sa kilay bago napabuntong-hininga at pumasok ng bahay. "Kaya ayaw kong makipagrelasyon eh..." Narinig kong aniya bago ko pa isinara ang pinto.
Hindi ako mapakali habang naglakad-lakad sa loob ng kuwarto ng anak ko, kada minuto ay sinusulyapan ko ang phone ko, umaasa na tawagan ako ni Cohen o kaya ay makatanggap ako ng text mula sakanya but I received nothing.
Saan kaya siya? Kumain na kaya siya ng hapunan? Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Why don't you just text him, Cean!
Tumingin ako sa phone ko at napabuga ng hangin bago nag-type pero sa huli ay hindi ko iyon ni-send kasi baka nakatulog na siya dahil mag-a-alasdose na ng umaga o baka on-duty siya? Sumandal nalang ako sa headboard at hinaplos-haplos ang buhok ng anak ko hanggang sa makatulog na ako.
Ganoon parin, dalawang araw na niya akong hindi man tinatawagan at ni wala akong texts na natanggap mula sakaniya sa loob ng dalawang araw, hindi narin siya bumubisita rito. Pero sa anak ko, sabi naman ni Bethany na kinakausap siya ni Cohen sa phone nito, may sarili kasing phone si Cohen. I can't help but to feel jealous against my child... Kaya pupuntahan ko siya sa kung saan mang lupalop napunta iyong lalaking iyon, sumasakit na ulo ko sa lalaking iyon ah.
I was wearing white shirt, black leather jacket, black jeans and black boots. I noticed those gazes when I entered the hospital. I entered the elevator's until I reached the floor where Cohen's office is there.
"Uhm... Miss, may kailangan po ba kayo?" tanong ng sekretarya ata ni Cohen sa akin.
"I'm looking for Dr. Cohen, is he inside?"
Nakita kong nag-aalangan siya pero sa huli ay tumango. "Yes ma'am, he's currently inside his office, resting... Uhm...may appointment po ba kayo kay Doc.?"
"No. But I..."
"Well, pasensiya na po miss, naiintindihan ko po kung kailanngan niyong magpagamot pero po kasi may rules kaming sinusunod, at kailangan po talagang magpa-appointment."
"Oh, okay. I'll just wait here." Umupo ako sa upuan doon at luminga-linga sa malawak na hallway.
"Po? Kanina lang po, doc." Napatingin ako sa sekretarya ni Cohen nang mapansin kong nakatingin pa pala siya sa akin. "Sige po doc, pasensya na po." Ibinaba niya ang telepono at ngumiti sa akin. "Miss, halika, pasok na raw po kayo."
Hay... salamat naman kung ganoon. Tumayo ako sa kinauupuan ko saka nalang ako nagpasalamat nong binuksan niya ang pinto para sa akin. Bumungad sa akin ang napakalawak na opisina. Napakurap ako, mas malawak pala ito kaysa sa first floor ng bahay namin, modern style pa.
"Ikaw yata mas malawak ang room dito kaysa sa iba, pansin ko lang."
"Yeah. I have the highest share in these hospital. What are you doing here?" Tanong niya. Doon ako napatingin sakanya at ang galit ko sakanya ay natunaw nang makita ang siya.
"You look worn out, you didn't sleep properly, are you?" My eyes widen when he held my waist and pull me towards him to hug me tightly. "Cohen?" Gulat kong tanong habang nakataas ang dalawang kamay ko sa hangin. Isiniksik niya ang mukha sa leeg ko kay ramdam ko ang hininga niya doon. I hugged him back before closing my eyes tightly, I missed him! Silence enveloped us until he spoke...
"I'm sorry, it's all my fault... Kung sana hindi na kita hiniwalayan noon, hindi na sana nangyari ang lahat ng ito..."
Hinaplos ko ang likuran niya noong makita kong yumuyugyog iyong balikat niya at may butil ng luha na nahulog sa balikat ko. "Shush! It was not your fault, wala kang kasalanan sa nangyari, tsaka tapos na ang lahat nang iyon, diba?"
"Hindi..." Umiling siya. "Pakiramdam ko ay kasalanan ko kaya ako nahiya sa iyo at hindi nagapkita. I'm sorry, natakot ako at naduwag... If I could turn back time, sana hindi nalang kita hiniwalayan noon..."
Iniangat ko ang ulo niya saka pinunasan ang luha niya sa magkabilang pisngi, now I met his gray eyes and he looks like a kid who tries to explain. I smiled kissing his eyes, nose before resting my forehead on his. Nagulat siya doon kaya tumawa ako pero noong tumawa ako ay biglang bumaba ang tingin niya sa labi ko at sumeryoso siya. Umangat ang tingin niya sa mata ko na parang nanghihingi ng kiss...candy?
"I love you."
Nanlaki ang mata ko at nag-init ang magkabilang pisngi ko sa sinabi niya.
"I have always love you... I'm inlove with you throughout the years, my cutie pie. Will you be my lover, my girlfriend again?"
"Yes! Oh my f*cking yes!"
"Really?! He exclaimed.
Tumango naman ako kaya tumatawa siyang tumalon bago ulit ako hinarap. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa magtagpo ang mga labi namin, pumikit ako at buong pusong tinanggap ang halik niya at na sumusuko na ako sakanya.
Ah. I love this man...
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Ex-Lover (Completed)
AcakTHE BILLIONAIRES SERIES #2 Some people changed because of the word love, like Cailliegh Cean Wayne Almarinez, she was hurt after learning that her first love, Cohen Joao Valderrama, did cheat on her. Cailliegh cannot accept that she fell into Cohen...