Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa parking lot. Tumambay lang ako sa labas ng isang bahay buong magdamag akong nakatitig sa pink na kurtina ng bahay na iyon at hindi ko na nagawang matulog pa. Gusto ko iyong pagmasdan.
Nagpark muna ako doon sa parking lot bago doon umalis. Iyong suot ko ngayon ay suot ko kahapon. Hindi ko nagawang magpalit pa. Bago ako pumasok sa hospital ay inayos ko muna ang contact lenses ko, ang kulay niya ay hazel. Kailangan kong magsuot nito dahil kung hindi ay baka may makakakilala sa akin, sana ay hindi kasi hindi naman ako ganoon kaganda noong mataba ako. Pero ngayon na mapayat ako, inaamin ko sa sarili ko na maganda ako.
Bago pa magtanong sa akin iyong security guard ay inunahan ko na siya. "Bibisitahin ko iyong magulang ko."
Tumango ito kaya nakapasok ako kaagad. Lumapit ako sa receptionist at ngumiti ang mga ito. "May I ask where is the office of Doc. Cohen Valderrama?"
Bago pa ito makasagot ay merong nagsalita mula sa likuran ko dahilan para natigilan ako. Iyong tibok ng puso ko ay tumigil kapagkuwa'y bumilis ang tibok niyon, my mouth slightly opened and my eyes widened.
"Did someone say my name here?"
"Uhh-"
"Miss?" Nagtatakang aniya sa akin.
"Oh!" Naglakas-loob akong humarap sakanya. Nakakunot ang noo niya nang humarap ako sakanya, ang ulo niya ay tumabingi at ang isang kamay niya ay nasa baba niya. "Doc, ikaw pala iyan!" Ngumiti ako para maibsan ang niyerbos na aking nararamdaman.
"Do you need my help, miss?"
Napatingin ako sa dibdib niya, nakacoat siya at green iyong panloob niya at kulay puti iyong pantalon niya. Tumangkad siya at mukha ding lumaki ang katawan niya.
"Done checking, miss?"
Gulat na tumaas ang tingin ko sa mga mata niya pero agad umiwas ng tingin dahil mas nadadagdagan iyong kabang nararamdaman ko. His eyes are gray color and he is a pointed nose, isama mo pa ang chiseled jaws niya.
Aaahhh! Lupa! Kainin mo nalang ako!
"Uhm." He cleared his throat. "Anyway, how did you know my name and why are you looking for me?"
Luminga-linga ako sa lobby na para bang kapag tumingin ako sa paligid ay may matuklasan akong sagot sa tanong niya pero sa huli ay natagpuan ko nalang ang sarili ko na tumatawa. Mukha na ata akong baliw sa paningin nila. But I don't care. Kailangan kong makalabas sa kalukuhang pinasok kong ito.
"Ah- Aalis nalang po ako." Nilampasan ko siya hanggang sa nakalabas ako sa hospital, napahawak pa ako sa tuhod ko dahil pakiramdam ko'y nanghihina iyon na para bang tumakbo ako ng malayo. Narinig ko pang tinawag niya akong 'miss' kanina pero hindi ko siya nilingon.
"Miss, okay lang po ba kayo?" Tanong sa akin ng security guard, akmang lalapit sa akin para alalayan ako ngunit napatigil naman nang itinaas ko ang kamay ko para pigilan siya.
"Okay lang po ako kuya. Huwag po kayong mag-alala. Alis na ako."
Huli ay lumingon ako sa hospital bago pumunta sa kong nasaan nakapark ang motorsiklo ko. Medyo malayo kung saan ako nakapark kanina sa entrada ng hospital kaya malaya kong inalis ang contact lenses bago pinaharurot ang motorsiklo ko paalis sa lugar na iyon.
~~~
"Good afternoon ma'am." Bati sa akin ng security guard bago binuksan ang glass door para makapasok ako sa bar.
Hindi pa nag-oopen ang bar niya dahil usually kasi ay mga 7 pm ang opening ng bar niya. Monday to Saturday nga lang.
Pumasok ako sa island counter saka naglakad ako papunta sa likuran ng collections ni Amanda ng mga wines at alcohols niya hanggang sa makarating ako sa harapan ng elevator. May dalawang security guards doon na nakaabang, seryoso ang mukha pero nang makita ako ay tinanguan ako at saka hinayaang makapasok sa elevator pababa sa underground.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Ex-Lover (Completed)
AcakTHE BILLIONAIRES SERIES #2 Some people changed because of the word love, like Cailliegh Cean Wayne Almarinez, she was hurt after learning that her first love, Cohen Joao Valderrama, did cheat on her. Cailliegh cannot accept that she fell into Cohen...