Chapter 3: Date

516 18 0
                                    

Napasimangot ako kasi mas lalo akong pinipilit nila Minique at Alfrea na makipagdate sa lalaking iyon.

"Ayoko." Dumapa ako sa kama saka niyakap ang kumot ko. "Hindi ako naniniwala sa date-date na iyan."

"Why don't you try? Don't you think he has a crush on you?"

Malakas akong napabuntong-hininga at iniangat ang ulo ko ng kaunti para makita silang nakatayo sa gilid ng kama ko, nakapameywang.

"Crush?" Napatawa ako. "Naloloka na nga kayo, paanong mag-kacrush iyon sa akin eh hindi naman ako kaakit-akit, saka isa pa, hindi ako ma..."

"Maganda ka nga, Cailliegh! Edi mas lalo kung magpapayat ka!"

Ngumuso ako lalo "Ayokong magpapayat, I have no time for that and I am busy today, I just want to sleep more. Please leave me alone."

"No we aren't gonna leave you here not until you'll get on that date with Cohen!"

"Hindi nga ako iyong nagsabing makikipagdate ako diba?!"

"Pero dahil sa iyo kaya sila nanalo kasi nakascore siya ng marami!"

"No!"

"Yes!"

"Wala ka nang takas, Cailliegh. Dahil kung tatanggi ka ay isusumbong kita kay kuya Jervin at sasabihin kong nakikipagharutan ka sa mga kaklase natin..."

Hindi ako makapaniwalang tumingin sakanila. "Are you guys blackmailing me?!"

"Sort of..."

~~~~

I sighed how many times before looking at my outfit. Okay naman, walang masama sa itsura ko. Okay, kaya ko 'to. Isang date lang naman...

"Go!" Lumingon muna ako sa likuran ko kung nasaan nakaupo sina Alfrea sa front seat at sa passenger's seat si Minique. Inu-urge pa nila akong pumunta sa loob ng restaurant kaya ayon pumasok ako doon sa restaurant.

Luminga ako sa paligid saka napanganga, ngayon kang ako nakapasok dito, maganda siya at may lobby pa, resto na may lobby? Pak na pak! Ang galing ng nagdesinyo rito ah.

Napako ang tingin ko sa harapan ko kung nasaan ang malaking portrait. Ang pamilyang ito iyong may-ari ng resto. Kitang-kita naman na sakanila iyon.

Mayroong nakatayong ginang at ginoo sa gitna ng dalawang magkamukha na babae at lalaki. In all fairness, maganda at guwapo silang lahat. Sa baba ng malaking portrait ay may nakadesign na 'Welcome to Gal Valde Restaurant!' Mayroon ding pictures iyong anak ng ginong at ginang na babae, yakap siya nong lalaki at may Apat na bata sa kanilang gitna. Siguro ay mga anak nila iyon. Sa left side naman ng malaking portrait ay picture din nong lalaki at may kahalikan siyang babae na nasa gitna naman nilang dalawa ang twins na babae.

Ang cucute nila. Nakakainggit. Para tuloy akong napepresure magkaroon din ng sariling pamilya, pero matagal-tagal pa iyon. Tiis-tiis lang.

"Good evening ma'am, do we have any reservations or walk in po?"

Tumingin ako sa maitre saka ngumiti. "Reservation under Mr. Cohen Valderrama's name."

Ngumiti siya sa akin. "Oh. Okay ma'am. Please follow me." Tumango ako sakanya saka sumunod.

Meron kaming nakasasalubong na mga staffs at napapansin kong everytime na may pumapasok ay ngumingiti sila at namamansin like mag-greet sila ng good evening'. Meron palang resto na ganito ang rules nila. Maganda iyon, siguro napakabait ng may-ari kaya naturuan iyong mga staffs.

"Cutie Pie!" Napabaling ang tingin ko kung nasaan nakaupo si Cohen. Tumayo ito kapagkuwa'y ngumiti.

"Mr. Valderrama, nandito na po ang ka-table niyo. Maiwan ko na po kayo. Enjoy!" Magiliw nitong sabi saka umalis.

The Billionaire's Ex-Lover (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon