Chapter 1: Cutie Pie

1K 24 0
                                    

Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa oval ng paaralan namin, nagsasagot ng assignment. Minsan kasi, ito na ang ginagawa naming magkakapatid, lalo na kapag maaga kaming paalisin sa loob ng paaralan.

Anim kaming magkakapatid pero ang sabi ni ama ay inampon niya lang kami at kaming tatlong babae lang ang nag-aaral sa ngayon, ako, si Alfrea at saka si Dominique Kathnia. Nakapagtapos naman sa pag-aaral ang mga kuya namin na sina Felipe, Norbert, at Jervin.

"Ay hala! Cailliegh, uulan na, iyong mga paperworks mo!" Mabilis na

"Ayyy!"

"Dalian mo Alfrea!" Nakabibinging tawag ni Minuque sa pangalan ni Alfrea pagkatapos itong pumunta sa covered court ng paaralan. "Cailliegh, dali!"

Si Alfrea naman ay tumatakbo papuntang covered court habang ako naman ay kinukuha pa ang basang papel ko, ngumuso ako kasi lahat nang iyon ay pinaghirapan ko pa naman. Basa na ang limang pages at kaya wala na akong ginawa kundi kuhanin iyon.

Mahirap sa akin ang kumilos ng mabilis kasi mataba ako, 85 iyong body weight ko at ang medyo mahirap talagang gumalaw, nahihirapan din akong tumakbo ng mabilis kaya minsan sinasabihan ako ng mataba, baboy, minsan pa ay pagong kasi ang bagal-bagal ko daw kumilos. Parang timbang ng dalawang tao kasi ang timbang ko. Matakam kasi talaga ako sa pagkain, hindi iyon maiiwasan kasi ang daming pagkain sa bahay, I just like eaing sweets kasi noon ay mahirap kami but now, hindi na ganoon.

Nagsisimula nang manubig ang mga mata ko dahil doon, nakakalungkot, lahat nang ginawa kong researches ay mapupunta lang sa wala. Lahat nang pagod at puyat na iginulgol ko sa paggagawa nito ay hindi worth it.

"Cailliegh, ano ba! Dalian mo! Magkakasakit ka niyan! Huwag mo na iyang iyakan!" Sigaw ni Alfrea.

Pinahid ko ang namuong luha sa aking mata. "Oo, heto na!" Dahan-dahan akong tumayo habang nakatingin sa mga kapatid ko, nagtataka ako kasi nanlaki ang mga mata nilang nakatingin sa akin, pero sa akin ba talaga?

Wala na ding pumapatak na ulan sa aking katawan pero nakakarinig ako nang parang ingay ng ulan na pumapatak sa isang payong.

Napaangat ang tingin ko at ganoon nalang ang gulat ko dahil tama ang hinala ko, may payong.

Mabilis akong lumingon sa likuran ko. Parang slow motion ang lahat.

Ngumiti siya tapos ay hinawakan ang kaliwang kamay ko at iniangat iyon, napakislot ako kasi parang may naramdaman akong tila kuryenteng dumaan sa aking kamay, narealize ko na hawak ko na pala ang payong.

Bumaba ang tingin ko sa kamay ko doon saka sa mukha niya.

"Dude!"

"Hoy! Brute!"

"Cohen! Uwi na tayo, ito naman kung kailan uuwi, nakikipaglandian pa talaga! Cohen, ano ba?!"

Malakas na sigaw ng kung sino, napatingin ako sa likuran niya at ganoon din siya.

"Wait me! F*ckers!" Sigaw niya saka tumingin sa akin at ngumiti. "Always bring your umbrella with you next time, cutie pie." Napanganga ako nang kumindat siya sa akin. "See yah."

Nakangiting tumalikod siya sa akin at doon ko napansin na nakasuot siya nang jersey at shorts na kulay pula, may nakatatak din sa likuran ng jersey niya na Valderrama at numerong 02.

Sinundan ko siya nang tingin hanggang sa tumigil siya sa harapan ng mga kaibigan niya. Napansin ko ding may hawak ang mga ito na bola at ganoon din ay nakajersey.

Muli siyang lumingon sa akin saka kumaway bago tumakbo, sinundan ang mga kaibigan.

Nanatili akong nakatayo doon at dinaramdam kong anong nararamdaman ko ngayon, hindi ko alam kong bakit biglang lumakas ang tibok ng puso ko, balewalain ko nalang, umangat ang tingin ko sa payong saka umiling.

The Billionaire's Ex-Lover (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon