Chapter 8: Rhapsody

488 16 0
                                    

"Sige na, ako nang bahala rito, I'll give you time to enjoy."

"Amanda!" Sigaw ko, pinanlakihan ko siya ng mata ko.

Tumawa ito na tila na aliw na aliw sa naging reaksyon ko.

"Go!" Tinulak niya pa ako, ang bigat na nga itong taong 'to. Si Cohen, nakaakbay sa akin, ayon lasing.

Wala na akong nagawa kundi sundin ang sinabi ni Amanda. Pumara ako ng taxi, buti nalang at meron pa kahit gabing-gabi na.

"Saan po tayo, ma'am?"

Tinulungan ako ng taxi driver na paupuin ang lasing na ito. Cohen growled.

Sinabi ko sa driver kung saan ang punta namin. Napilitan akong umupo sa tabi ni Cohen. Bumuntong-hininga ako dahil naramdaman ko ang ulo niya sa balikat ko. Gumalaw siya ng kaunti at natigilan ako dahil naramdaman ko ang kamay niya na nakayakap sa aking beywang.

Umungol siya. "Cutie pie."

My eyes widened. I clenched my fists. Why the hell he said 'cutie pie?!'

"I miss you. Magpakita ka naman sa akin oh!" Inilapit niya ang labi niya sa akin na nakanguso kaya tinulak ko ng mahina ang ulo niya.

Napalabi ako saka tumingin sa labas ng bintana ng kotse, kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilang maluha. 

That was past and will always be the past.

"Hmn! Cutie pie! Why are you not talking?! Huh?" Umayos ito ng upo at nakipagtitigan sa akin saka ako tinuro.

Nakakunot-noo kong tinabig ang daliri niyang nakatutok sa akin.

Ngumisi ito nang nakakaloko. "Uh. You don't want to talk to me, do you?"

"Just shut up!" Singhal ko pero binabaan ko iyong boses ko kasi nakakahiya naman sa taxi driver. "Manong, pasensya na po kung naiirita kayo sa lalaking 'to. Lasing kasi kaya maingay."

"Hindi naman problema sa akin iyan, may mga pasahero din akong lasing, mas makulit pa ata kay sir."

Sa sinabi niyang iyon ay nakahinga ako ng maluwag. Napatingin na naman ako kay Cohen dahil hindi talaga tumitigil sa pagkukulit sa akin.

"Cutie pie! Ano ba?!"

"Anong ano ba?! Saka sinong cutie Pie ha?! Hindi ako ang cutie pie mo na iyan. Ako iyong nagtratrabaho sa bar, ihahatid lang kita ah!"

Umungol ito saka sumandal sa upuan at napahilot sa noo. Hinayaan ko nalang siya doon saka tumingin sa labas ng bintana.

"Naku, mukhang nag-away kayo ng boypren no ah." Magsasalita na sana ako at itatanggi ko iyong sinabi niya pero agad din naman siyang nagsalita kaya hindi ko nagawang sabihin na hindi ko boyfriend si Cohen. "Huwag kang mag-alala, ganyan talaga, normal iyan sa magkasintahan, iyong kayo ay nagtatampo sa isa't-isa at nag-aaway. Lilipas din iyan. Ganyan din kami ng girlpren ko noon na asawa ko na ngayon."

Tumango ako kahit na hindi iyon nakita ng taxi driver. Buti pa si manong, may lovelife.

Tahimik na kami hanggang sa narating namin ang labas ng building. Nagbayad ako using the money that Phineas gave me. I also asked the guy receptionist what floor is the room of Valderrama and he said that it was in 30th floor, doon ko lang nalaman na penthouse pala ang rook niya at hindi condominium iyong tawag doon. Bakit iba ang sinabi ni Phineas? Ewan ko din.

"Where are we going?"

Tanong niya, mukha na siyang umo-okay kasi siya na mismo iyong naglalakad pero pagiwa-giwang parin.

"Sa penthouse mo. Upo ka muna diyan."

"Hmmmnn."

Tinulungan ko siyang umupo sa floor ng elevator pagkatapos ay isinara ko iyon, tumayo lang ako sa gilid at hindi ko pa nagawang lumingon sa kanya. Bahala siya doon, kahit na nagsasalita pa siya, hindi ko siya pinapansin.

The Billionaire's Ex-Lover (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon