Prologue

2.3K 36 2
                                    

"Mummy! Gusto ko din iyong kagaya noong decorations nila sa kabilang kuwarto sa birthday ko, iyong ako at si Ytos ko sa iisang picture, ako si cinderella at siya naman si prince charming ko ba!"

"Oo naman, nak." 

Napailing ako sa malakas na boses ng isang bata sa labas ng kotse, ang bata-bata pa nong babae tapos susuportahan pa nong magulang.

Oo, bitter na kong bitter pero ganoon talaga ako simula noong niloko ako nang mokong na iyon.

Some of the people believes that everyone has it's own chosen prince charming and everyone has a happy ending. Madami ang mga nangangarap na magkaroon ng prince charming pero para sa akin, hindi iyon kailangan at hindi totoo.

Bakit? Kasi alam ko naman kung paano ipagtanggol ang sarili ko sa kahit kanino at hindi totoo kasi hindi ako naniniwala na may prince charming na ililigtas ako sa kapahamakan.

Ni wala ba namang nanliligaw sa akin kahit sa labas man lang ng pagawaan ng shabu. Tangina, tatanda na talaga akong hindi man lang nadidiligan. Gusto ko iyon maranasan kahit isang araw o gabi lang pero ayaw talaga makisama ng utak at puso ko.

Gusto atang iopen wide sa harapan nang CJ na iyon. Kung sana hindi ako niloko. Ay pota!

Change topic! Hindi din ako naniniwala sa fairy-fairy tales na iyan, babae ako pero iba na ako ngayon, hindi na ako gaya ng dati na mahina at mahinhin. Bawal lahat iyon, bawal ang maarte, bawal ang magkaroon ng relasyon sa mga taong hindi kasabwat sa illegal na negosyo ng ama-amahan ko. Ganoon ang batas niya na kulang nalang ay ikulong niya paikot-ikutin niya kami sakanyang mga kamay.

"Hoy!"

Sinalo ko agad ang bote ng tubig atsaka uminom.

"Salamat."

Umupo si Alfrea sa shotgun seat saka inilabas ang pera na kinuha mula sa transaction kanina.

Si Dominique Kathnia naman ay umupo sa likuran at napasandal doon, siya ang pinakatahimik sa lahat at siya din ang may pagkatomboy. Napabuga ito sa hangin.

Umiling ako habang nakatingin sa pera. "Sasaya niyan ang demonyo, tangina!"

Tumawa si Alfrea, kasamahan ko siya sa illegal na negosyo, sila ni Dominique.

"Sabi ko sa iyo eh, alangan namang hindi namin makukuha ang tiwala ni Mr. Li e 'di mapapagalitan na naman ako ng ama." Pabagsak siyang sumandal sa upuan saka pumikit pagkatapos inilagay sa loob ng bag ang hawak niyang pera.

Napangiti ako, pera na galing sa illegal na gawain. Kahit gaano ay nabubuhay kami ng ama-amahan namin sa illegal na pagbibinta ng illegal na gamot pero noon iyon, dahil noong lumaki-laki na kami ay naisipan naming magtrabaho para sa sarili namin. Kahit mahirap ang ginagawa namin ay keri parin.

"Oh, kuya, kumusta?" Sinagot ko ang tawag ni Kuya Felipe na siya ding unang inaruga ng aming ama-amahan.

Rinig kong sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko sa kabilang linya.

"Mga manloloko ang mga iyon kaya patay na. Kulang ang perang hawak nila."

I rolled my eyes. Hindi naman bago sa akin marinig na ganito ang utos kapag kulang ang pera, saka isa na din ay para mawala ang ibang mga drug lords sa bansa. "Bakit ka napatawag?"

"Tatanungin ko sana kong okay na ba si Alfrea? Nakabalik na ba siya diyan?"

"Pfftt!" Tumawa ako sa tanong niya.

"Oh bakit ka tumatawa?" Tanong niya sa kabilang linya.

Tumingin muna ako sa mukha ni Alfrea na ngayo'y payapang natutulog. "Hindi ako bobo para hindi malamang may namamagitan sainyong dalawa ni ate."

The Billionaire's Ex-Lover (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon